Albert Martinez 'apakagwapo' pa rin kahit senior citizen na; 'The Iron Heart' ni Richard magsu-shooting sa Italy | Bandera

Albert Martinez ‘apakagwapo’ pa rin kahit senior citizen na; ‘The Iron Heart’ ni Richard magsu-shooting sa Italy

Alex Brosas - May 31, 2023 - 07:13 AM

Albert Martinez 'apakagwapo' pa rin kahit senior citizen na; 'The Iron Heart' ni Richard magsu-shooting sa Italy

Albert Martinez at Richard Gutierrez

IBANG klase talaga ang “The Iron Heart”. Talagang hindi tinipid ng production ang kanilang taping.

Imagine, sa latest post ni MJ Felipe sa kanyang official Twitter account ay itsinika niyang sa Rome, Italy ang punta ng grupo nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca and Ian Veneracion para sa taping.

“LOOK: Richard Gutierrez, Jake Cuenca and Ian Veneracion are off to Rome, Italy to shoot scenes for ABS-CBN’s primetime action series ‘The Iron Heart’. They will shoot in Italy for seven days.”

That was MJ’s caption sa kanyang short video where Ian, Richard and Jake were in the airport.

With that, ang daming nagpakita ng appreciation hindi lang sa mga actors involved kundi maging sa production.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


“Wow taray. ang ganda naman kasi talaga ng Iron heart eh. Gabi-gabi kami naka tutok talaga. ingat po.”

“Sa primetime, ito talaga ang favorite ko. Level up kasi ang action and story ng show na to.”

“Ganyan dapat na nag iinvest.”

Baka Bet Mo: John Arcilla inialay ang ‘Venice’ best actor trophy sa mga pumanaw na mahal sa buhay

“Grabe naman talaga. Puwede namang dayain lang and pretend nasa Rome, Italy pero iba talaga ang ABS-CBN.”

“Hindi talaga nila tinitipid ang viewers.”

“Wow… so extended ulit and THE iron heart?? Yeahh!!! Sana tumagal pa.”

Hindi rin nagpatalbog si Albert Martinez na gumaganap bilang si Engineer at si Priam. Nag-post din siya ng short video habang nasa Italy.

Ang daming naka-appreciate ng post na iyon ni Albert. Tuwang-tuwa ang fans niya dahil para daw hindi siya tumatanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


Makisig pa rin kasi si Albert at marami pa rin ang kinikilig sa kanya na mga babae.

“Kontrabida man sa iron heart gwapo nman.”

“You remain soooohhhh pogi and young. Stay safe and healthy po…God bless you!”

“Sinundan si Apollo na bandang huli ay anak pala nya. Nice shot po sir @albertmartinezph and I like Priam di ako naiinis sa kanya.”

“Naku po ang forever crush since snooky albert love team.. ageless apaka guwapo.”

“DI nag BAGO kapogian simula nung ika 13 kapitulo until now… Haist.”

“I hope you remember that flight to dubai, when you hungout with us, cabin crew sa galley drinking your red wine. Papunta kayo sa Dubai noon with your kids. Im so happy to see you smiling sir Albert. You asked pa if mag stay kami ng matagal sa dubai. Kaso overnight lang kami doon. Salamat sa mga advices. Kita ko vulnerable side mo noon sir. One of my most memorable yun sir. Hope you stay happy.”

Maris Racal hindi makapaniwalang umabot sa Italy ang pelikulang ‘Where Is The Lie?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vicki Belo ibinandera ang pagkikita nila ni Heart Evangelista sa Italy: ‘Ayan ha guys, nagkita na kami…ang ganda talaga ng girl na ‘to!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending