Vicki Belo ibinandera ang pagkikita nila ni Heart Evangelista sa Italy: 'Ayan ha guys, nagkita na kami...ang ganda talaga ng girl na 'to!' | Bandera

Vicki Belo ibinandera ang pagkikita nila ni Heart Evangelista sa Italy: ‘Ayan ha guys, nagkita na kami…ang ganda talaga ng girl na ‘to!’

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 03:39 PM

Vicki Belo ibinandera ang pagkikita nila ni Heart Evangelista sa Italy: 'Ayan ha guys, nagkita na kami...ang ganda talaga ng girl na 'to!'

Heart Evangelista, Vicki Belo at Hayden Kho

NAGLABAS agad ng “resibo” ang celebrity surgeon na si Vicki Belo tungkol sa pagkikita nila ni Heart Evangelista kamakailan sa Italy.

Ito’y matapos ngang maging isyu ang mga naging pahayag niya sa kanyang YouTube vlog kasama ang TV host-actress at content creator na si Alex Gonzaga.

Dito sinabi ng asawa ni Hayden Kho na “inisnab” daw sila ni Heart nang magkita-kita sila sa Milan Fashion Week. Pero sa kabuuan ng kanyang video, maliwanag na nagbibiruan lang sila ni Alex.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)


Sa latest Instagram Reel ni Vicki, ipinakita niya ang ilang mga kaganapan sa naganap na Louis Vuitton event sa Isola Bella, Italy kung saan kasama rin niyang “rumampa” si Hayden.

In fairness, fashionistang-fashionista ang celebrity couple sa pinuntahang fashion event. Nakita nila roon ang ilang kilalang celebrities, kabilang na ang mga sosyaling mga kababayan natin.

Baka Bet Mo: Maggie Wilson, Vic Consunji muling nagkita sa kasalan, nagpansinan ba o dedma lang?

At isa nga sa mga nakasabay nina Vicki at Hayden sa nasabing LV event ay ang Kapuso star at fashion icon na si Evangelista.

Base sa video bi Vicki, si Heart ang lumapit sa kanya para bumati at bumeso. May picture rin sila together kasama si Hayden.

Maririnig si Vicki na nag-dialogue ng, “Ayan ha guys, nagkita na kami ni Heart.” Sabi naman niya sa caption,  “Ang ganda talaga ng girl na to.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sa isang social media post, nilinaw ni Vicki noong mag-viral ang balitang inisnab daw sila ni Heart sa Milan na, “How could she snub us when she didn’t even know we were there? And we never ever saw each other.”

Paglilinaw naman ni Alex, “Ay, hindi po kami nagkita sa Milan, biruan lang po namin ‘yan ni Dra. Belo, if you watch the whole vlog. Heart is nice since ‘Pangarap na Bituin’ circa 2007 pa po sa akin, at magkaibigan kami. Hindi na dapat ginawang news mga ganito.”

Sa guesting ni Heart sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinagot din niya ang nasabing isyu, “Hindi ko siya nakita. I’m not there to chitchat. I’m there to immerse myself.

“It’s art and you appreciate art, so talagang naka-focus ako (sa fashion show),” aniya pa.

Dagdag pang chika ng wifey ni Sen. Chiz Escudero, “There are bigger stars [at these fashion events] but, may nararating talaga when you love something.

“No matter how weird or unique or whatever, if it’s something you love and if you’re authentic about it, you will get somewhere,” sey ni Heart.

Vice, Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maris Racal hindi makapaniwalang umabot sa Italy ang pelikulang ‘Where Is The Lie?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending