Vice,Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland | Bandera

Vice,Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland

|July 30,2021
facebook
share this

Vice,Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland

- July 30, 2021 - 11:09 AM


WALA naman talagang makakasira sa pagmamahalan nila Vice Ganda at Ion Perez.

Kitang-kita nga ang saya sa mukha ng dalawa kahit na hindi maganda ang panahon habang magkasamang nagbabakasyon sa beach.

Nag-iwan naman ng nakakatawang kumento ang Unkabogable Star sa post ni Ion na may caption na “ano man ang maging panahon, basta kaSAMA ka!”

Comment nito, “Matapos mo kong pagurin kakahabol sa buhangin!!! Nabawi mo naman sa lapat ng musika. Kinilig ang alak-alakan ko.”

Nagreply naman si Ion at sinabing “lab yu tuy.”

Maraming netizens naman ang napapa-sana all sa katamisan ng dalawa.

Giit pa ng supporters nila, sana patuloy lang ang sweetness at pagmamahal ng dalawa sa isa’t-isa at sana ay hindi sila magbago.

May isa pa ngang comment na mamamatay na raw ito dahil sa inggit sa love life ng dalawa.

Umulan rin naman ng mga puso sa comment section mula sa mga kaibigan ng dalawa sa showbiz.

Hindi naman nagpahuli si Vice sa pagpo-post ng moment nila together.

Caption pa nito, “Look, we are so beautiful. Normalize seeing a love story that’s different from yours.”

Matatandaan na unang nagkakilala si Vice Ganda at Ion Perez dahil kay Aga Muhlach. Mas nagkapalagayan ng loob ang dalawa nang naging parte ng “It’s Showtime” ang binata.

* * *

Matapos hindi magkita ng dalawang taon, muli ngang nagkita ang magkaibigang si Bela Padilla at Sarah Lahbati.

Matatandaan na lumipad si Bela pa-Italy para kitain ang dyowa na si Norman Ben Bay.

Nagkaroon rin ng European tour ang aktres para makipagkita rin sa ibang mga kaibigan.

Sakto naman at nasa Switzerland si Sarah Lahbati kasama ang pamilya nito kaya perfect timing ito para sa reunion nilang dalawa.

Ibinahagi nga ng dalawa ang kanilang moments together sa Genova, ang hometown ni Sarah.

“More than ten years of friendship with you and many many more decades ahead of us (red heart emoji) thank you for touring me around your hometown, Geneva! Love you, Sammy!” caption at mensahe ni Bela para kay Sarah.

Bukod pa roon, nakipag-bonding rin si Bela sa mga anak ni Sarah at Richard na sina Zion at Kai.

“Appreciation post for two of the nicest, most well-behaved but still fun-loving kids.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I miss you two and our search for french fries and kelp diving adventures already, Zion and Kai! Great job on these two @sarahlahbati and @richardgutz,” caption ni Bela sa pictures kasama si Zion at Kai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending