Lolit Solis puring-puri si Heart Evangelista: Hindi trying hard ang pagiging fashionable | Bandera

Lolit Solis puring-puri si Heart Evangelista: Hindi trying hard ang pagiging fashionable

Therese Arceo |May 16,2023
facebook
share this

Lolit Solis puring-puri si Heart Evangelista: Hindi trying hard ang pagiging fashionable

Therese Arceo - May 16, 2023 - 06:25 PM

Lolit Solis puring-puri si Heart Evangelista: Hindi trying hard ang pagiging fashionable

SALUDO ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera nito ang larawan ng Kapuso star at ang mensahe ng paghabga nito sa aktres.

“Ang ganda ng ginagawa ni Heart
Evangelista na pag reach out sa kanyang followers, Salve,” umpisa ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Talagang panay ang rampa niya at ipinapakita iyon mga pose na gusto ng kanyang mga followers.”

Ani Lolit, mas gusto raw talaga ng mga followers ni Heart na nakikitang fashionable at very in sa kasalukuyan trend ang aktres.

“Kung ano ang uso yon ang suot at gamit ni Heart. At dahil talagang eversince lady of fashion na ito kaya naman hindi trying hard ang pagiging fashionable,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Kamakailan ay nag-guest si Heart sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan napansin ng King of Talk ang suot suot nitong Bvlgari serpenti necklace at sinabi niyang isa itong paalala sa kanya ukol sa mga “ahas” sa paligid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Isa siyang ahas. To remind us na madaming ahas sa mundo,” sey ni Heart sa interview.

Going back to Lolit, super happy siya sa ganap ng aktres ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hitit pa niya, “Very in talaga ang dating ni Heart dahil bagay na bagay sa kanya lahat ng suot at gamit. Talagang ito yata ang daigdig niya, ang Fashion World. Bongga.”

Related Chika:
Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending