Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses | Bandera

Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

Therese Arceo |February 18,2023
facebook
share this

Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

Therese Arceo - February 18, 2023 - 04:21 PM

Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses
HINANGAAN ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang pamilya Gonzaga.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang larawan ng magkapatid na sina Alex at Toni.

“Sa tutoo lang nuon ko pa talaga type si Toni Gonzaga. Kasi kahit saan kami magkita very sweet at very polite siya, walang pa star na aura,” saad ni Lolit.

Maski ang nakababatang kapatid nitong si –

Alex ay pinuri rin niya kahit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan noon dahil sa pagre-report niya patungkol sa “miscarriage” ng TV host-vlogger.

“Si Alex Gonzaga natuwa ako ng i correct niya ang isang item ko, maganda ang ginawa niyang pakikipag usap sa akin sa telepono,” pagpapatuloy ni Lolit.

Ngunit ang pinakagusto raw niya sa pamilya Gonzaga ay ang ilaw ng tahanan na si Mommy Pinty.

Lahad ni Lolit, “Pero ang pinaka type ko sa mga Gonzaga si Mommy Pinty na kahit saan, kahit kelan, mabait sa akin pag nakikita ko.

“Wala akong naging problema sa mga Gonzaga, infact type ko hosting ni Toni, gusto ko humor ni Alex, kaya no problem. Kahit nga nuon na ikinorek ni Alex Gonzaga iyon isa kong sinulat, wala lang, hindi ko pinalaki. Walang intriga.”

At labis nga raw ang kanyang naramdamang tuwa nang sabihin sa kanya ni Gorgy (isa sa kanyang mga kasama) na nag-reach out raw ang bunsong Gonzaga upang tumulong sa kanyang medical expenses.

“Napa praning na talaga ako sa dami ng mga gustong tumulong sa akin , masyado na akong na humbled sa pagmamahal ninyo. Para bang kahit gaano pa maging kalaki ng magiging gastos ko marami parin ang maasahan ko,” masayang sabi bi Lolit.

Aniya, shocking raw para sa kanyang malaman na nagpapaabot ng tulong sa kanya si Alex dahil hindi naman sila close.

“Grateful forever Gonzaga family, thanks for the love. Salamat,” sey ni Manay Lolit.

Matatandaang noong October 2021 ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa matapos ang report nito patungkol sa sensitibong pinagdaraanan ni Alex ay ng asawa nitong si Mikee Morada.

Humingi naman ng tawad si Lolit ay sinabing, “Gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin.”

Related Chika:
Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending