Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako! | Bandera

Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!

Therese Arceo |November 12,2022
facebook
share this

Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!

Therese Arceo - November 12, 2022 - 12:41 PM

Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!
LABIS ang pasasalamat ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis kay Pangulong Bongbong Marcos matapos siyang padalhan nito ng bulaklak habang siya ay nasa ospital.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng talent manager ang kanyang larawan kasama ang ipinadalang flowers ng presidente.

“Talagang happy ako [nang] matanggap ko ang flowers mula kay Papa Bongbong Marcos ko, Salve. Love ako talaga ni Usec Honey Rose dahil talagang she made sure na nasa dialysis ako nang ihatid ang flowers from PBBM,” kuwento ni Manay Lolit.

Matatandaan na kasalukuyang nagpapa-dialysis ang talent manager dahil sa komplikasyon sa kanyang kidney.

Talaga namang positive ang naging epekto ng ipinadalang bulaklak ng presidente kay Manay Lolit.

Sey niya, “Bongga di ba, bigla feeling ko magaling na ako, hah hah kaya hindi mo ako masisisi bakit Solid Marcos ako noh ! Imagine mo, laking bagay para magkaruon ako ng hope sa sakit ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Love you PBBM, your fan forever,” dagdag pa niya.

Noon pa mang eleksyon ay nagpapakita na ng pagsuporta para kay Pangulong Bongbong Marcos ang talent manager at kolumnista.

Sa katunayan, bago pa man siya padalhan ng bulaklak nito ay may isa siyang Instagram post kung saan pinuri niya ang presidente.

Alam mo Salve na sa lagi ko panunuod ng news isa ang napansin ko. Ang galing mag speech ni PBBM. Kahit ambush o pinaghandaan interview maganda niya napapaliwanag ang mga bagay bagay. Napansin ko din na hindi siya banidoso. Iyon bang kung minsan lumilipad ang buhok niya sa likod na parang hindi nasuklay. Na hindi niya pansin ang hitsura niya. Cute ha,”chika ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi nga siguro dahil bata siya at talaga naman eversince cute na kaya very confident sa hitsura niya. Kasi nga ang gandang tignan na para lang one of the guy ang ating Presidente. Very approachable tignan. Bongga President Bongbong Marcos. Very cute.”

Related Chika:
Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Isyu ni Herlene Budol sa dating talent manager hindi na raw bago, ani Lolit Solis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending