Isyu ni Herlene Budol sa dating talent manager hindi na raw bago, ani Lolit Solis Bandera

Isyu ni Herlene Budol sa dating talent manager hindi na raw bago, ani Lolit Solis

Therese Arceo |October 06,2022
share this

Isyu ni Herlene Budol sa dating talent manager hindi na raw bago, ani Lolit Solis

Therese Arceo - October 06, 2022 - 07:47 PM

Isyu ni Herlene Budol sa dating talent manager hindi na raw bago, ani Lolit Solis
NAGBIGAY opinyon ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis patungkol sa kinakaharap na isyu ni Herlene Budol.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng kolumnista na hindi na raw bago sa industriya ang kasalukuyang pinagdaraanan ng beauty queen-comedienne.

“Iyon issue ni Herlene Budol o Hipon Girl sa kanyang dating manager Salve, hindi na bago. Kaya nga dapat sa manager/talent relationship open kayo sa isa’t isa. Ang pangit na ang pinag aawayan ng dalawang tao ay pera,” saad ni Manay Lolit.

Matatandaang usap-usapan ngayon si Herlene matapos itong dumulog sa programa ni Sen. Raffy Tulfo upang hingiin ang tulong nito na habulin ang dating manager niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ayon kasi kay Herlene, hindi niya natanggap ang mga bayad sa mga projects at endorsements na kanyang ginagawa noong ang dating manager pa niya ang nagha-handle sa kanya at noong magkaroon daw ng kwentahan ay lumalabas na parang siya pa raw ang may utang rito.

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Dapat talaga pareho ninyo alam ang kinikita para maliwanag. Siguro naman hindi pa ganuon kalaki ang TF ni Hipon Girl para hindi mabilang kaagad.”

Aniya, dapat rin daw ay inire-report ng manager na ang mga kinikita ng kanyang alaga.

Sey pa ni Manay Lolit, “Hindi maganda na sa umpisa pa lang para bang confrontational na tao si Herlene Budol na kaagad may issue sa manager na kasama niya sa kanyang career.”

Dapat raw ay inayos na nila agad ang gusot sa pagitan nila para na rin daw maganda ang mga balita na tungkol sa kanyang career at projects at hindi ang problema o away nila ng kanyang manager.

Nabanggit rin naman ni Manay Lolit na finally ay bibida na si Herlene sa isang teleserye sa GMA-7 na pinamagatang “Magandang Dilag”.

“Bongga si Herlene na meron agad isang serye na uumpisahan. Kaya naman ngayon pa lang ang ingay na ng pangalan niya.

“Sana huwag masayang ang magandang break na ito, dahil minsan lang dumating ang mga ganitong suwerte. Welcome Hipon Girl, sana nga magtagumpay ka. Bongga,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Herlene Budol niregaluhan ng house & lot ng talent manager: Sobrang speechless ako!

Kahit malala pa rin ang sakit…Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending