Kahit malala pa rin ang sakit...Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis | Bandera

Kahit malala pa rin ang sakit…Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

Ervin Santiago |September 28,2022
facebook
share this

Kahit malala pa rin ang sakit…Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 09:38 AM

Kahit malala pa rin ang sakit...Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

Kris Aquino, Joshua at Bimby

KAHIT na may matinding karamdaman at maraming challenges na pinagdaraanan, nakuha pa rin ni Kris Aquino na kumustahin at alukin ng tulong ang talent manager at online host na si Lolit Solis.

Ibinalita ni Manay Lolit sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang pag-reach out sa kanya ng TV host-actress kamakailan para kumustahin ang kanyang kalagayan.

Ipinost niya sa IG ang litrato ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na kuha sa Amerika recently kalakip ang kanyang pasasalamat sa may sakit na aktres.

“Kaya hindi ko puwede hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya.

“Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin (personal aasistant ni Kris) para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin,” pahayag ng talent manager.

Aniya pa, “Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya.

“More than anything gusto ko gumaling si Kris para sa mga anak niya. Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli.

“Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya. Pagaling ka Kris, don’t stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love.

“Thank you, will always remember your sweetness and kindness. Salamat talaga,” mensahe pa ni Manay Lolit kay Kris.

Samantala, sa isa pa niyang IG post, naglabas ng saloobin ang talent manager tungkol sa reaksyon ng ilan niyang kakilala sa kanyang pagpapa-dialysis.

“Nagtataka ako kung bakit parang shock ang marami pag naririnig na nagpapa dialysis ako twice a week. Para bang hindi na ako puwede mag work, rumampa, o lumabas.

“Para bang end of the road na iyon dialysis ko. Twice a week, 4 hours per session, nai irita ako sa process, pero wala na akong magagawa, iyon na talaga ang sinabi ng doktor ko, so behave na lang ako.

“Pero sa mga araw na wala ako dialysis, balik sa normal ang sked ko, rampa parin ako. Sa edad ko na 76 siguro naman expect mo na hinay hinay narin dapat dahil matanda na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero likas akong lakwatsera, at kaladkarin, so rampa parin. Habang nandiyan sila Salve at Gorgy, puwede magtulak ng wheelchair ko, hah hah, go go go. Bongga ang props di ba, wheelchair naman, kaya watch out, Lolit sa wheelchair,” aniya pa.

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending