Herlene Budol niregaluhan ng house & lot ng talent manager: Sobrang speechless ako! | Bandera

Herlene Budol niregaluhan ng house & lot ng talent manager: Sobrang speechless ako!

Ervin Santiago |July 12,2022
facebook
share this

Herlene Budol niregaluhan ng house & lot ng talent manager: Sobrang speechless ako!

Ervin Santiago - July 12, 2022 - 11:15 AM

HINDI pa man nagaganap ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022, feeling winner na rin ang kandidatang si Herlene Budol matapos makatanggap ng major-major gift mula sa kanyang talent manager.

Ibinandera ng Kapuso comedienne at aspiring beauty queen ang pa-surprise sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino nitong nagdaang Linggo, July 10.

Sa Instagram post ng dalaga, pinasalamatan niya si Wilbert sa napakabonggang regalo nito para sa kanyang pamilya na matagal nang nagdarasal at humihiling na sana’y magkaroon na sila ng sariling bahay.

“Natupad din ang aking pangarap magka house and lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino.

“Mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics, at Ka-Budol ko diyan, sobrang speechless po ako at overwhelmed,” mensahe ni Herlene.

Samantala, sa kanyang YouTube channel, nagpa-house tour si Wilbert sa bagong bahay ni Herlene. Aniya, binigyan niya ng house and lot ang komedyana para mas ma-motivate pa ito sa pagtupad sa kanyang mga pangarap.

Bukod dito, nais din daw niyang pakalmahin si Herlene sa pagluluksa nito sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Every time umiiyak siya nung nawala si Nanay Bireng, lagi niya sinasabi, ‘Nanay, sorry hindi mo naabot ‘yung bahay,'” sabi ng talent manager.

Nang gawin ni Wilbert ang nasabing vlog ay hindi pa nakikita ni Hipon Girl ang bahay pero nagbigay na siya ng mensahe para sa kanyang alaga para sa nalalapit na  pagrampa at paglaban nito sa Binibining Pilipinas 2022 coronation sa July 31.

“Excited kami sa ‘yo. Sana ‘wag kang magbago. Ipagpatuloy mo lagi lahat ng mga plan ko para sa karera mo. Ma-deliver mo lang ‘yon, isa nang malaking achievement para sa akin.

“Alam kong bibigyan mo ng mahigpit na laban ang Binibining Pilipinas (2022) and I will pray every night para makuha mo kahit isang korona lang,” pahayag ni Wilbert.

Nitong nagdaang April, tuwang-tuwa ring ibinalita ni Herlene sa publiko na finally ay nakabili na rin siya ng sariling sasakyan.

Samantala, isa rin si Herlene sa mga early favorites ng mga pageant fans na tumututok sa Binibining Pilipinas 2022 finals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bentang-benta sa netizens ang kanyang “Squammy Walk” sa naganap na press presentation kamakailan. Kaya abangan na lang natin kung makakapag-uwi nga ng titulo at korona ang dalaga.

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending