Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama | Bandera

Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama

Therese Arceo |January 06,2023
facebook
share this

Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama

Therese Arceo - January 06, 2023 - 11:44 PM

 Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama

ISA lang ang hiling ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis para sa kanyang alagang si Paolo Contis.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya na sana’y muli nang makita ng kanyang alaga ang mga anak.

Naibahagi nga rin ni Manay Lolit na inaayos raw ng aktor ang kanyang relasyon sa mga ina ng kanyang mga anak.

Si Paolo ay may tatlong anak at puro ito babae. Ang dalawa ay sina Xalene at Xonia na anak niya sa dating asawang si Lian Paz at si Summer na anak naman niya kay LJ Reyes.

Lahad ni Manay Lolit, “Nasa news na naman si Paolo Contis Salve. Talagang hanggang ngayon ay hindi siya makalayo sa shadow ng mga naging anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes.

“Mabuti naman at tahimik ang issue sa mga anak niya kay Lian, at ang maingay lang iyon kay LJ.”

Pagbabahagi pa ni Manay Lolit, lahat raw ng mga anak ni Paolo ay mahal niya at pinipilit niyang maging maayos ang relasyon niya sa mga ina nito.

Dagdag pa niya, hindi rin daw niya nais na masali si Yen Santos sa isyu sa kanyang mga anak dahil wala naman daw kinalaman ang dalaga rito ngunit hindi naman daw nila mapipigilan ang media at kung paano mag-isip ang mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Pagbabahagi pa niya, hindi rin daw alam ng kanyang alaga kung ano ang gagawin sa kasalukuyang sitwasyon nito.

Sey ni Manay Lolit, “Siyempre anak niya ang mga bata at lagi din nasa isip niya. Sayang nga at nasa USA si Summer kaya hindi niya madalas makita, kaya ngayon gumagawa siya ng paraan para makita ito.

“Kahit ano pa sabihin, gusto din ni Paolo Contis gampanan ang pagiging ama sa mga anak niya. Nandiyan parin siya at gustong ipaalam na anytime, puwede siyang magbigay oras sa mga ito.”

Pagtatanggol pa ni Manay Lolit sa alaga, “Kung happy go lucky ang image ni Paolo, pagdating sa anak, isa siyang responsableng ama.

“Kaya naman sana mabigyan siya ng pagkakataon ipakita ito at ipadama sa kanyang mga anak.”

Hirit pa nga ni Manay Lolit, kahit anong mangyari ay si Paol pa rin ang ama ng mga ito at hindi pupwedeng alisin ng mga ina nila ang karapatan na maging ama siya ng mga ito.

“Forever CONTIS sila, hanggang lumaki,” sabi ng kolumnista.

Related Chika:
Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending