Sue Ramirez never mai-inlove kay Jake Cuenca: Sobrang kilalang-kilala ko na po siya | Bandera

Sue Ramirez never mai-inlove kay Jake Cuenca: Sobrang kilalang-kilala ko na po siya

Reggee Bonoan |May 06,2023
facebook
share this

Sue Ramirez never mai-inlove kay Jake Cuenca: Sobrang kilalang-kilala ko na po siya

Reggee Bonoan - May 06, 2023 - 08:03 PM

Sue Ramirez never mai-inlove kay Jake Cuenca: Sobrang kilalang-kilala ko na po siya
WALANG gusto sa isa’t isa sina Jake Cuenca at Sue Ramirez dahil alam naman ng lahat na may boyfriend ang dalaga samantalang ang binata naman ay may iba nang napupusuan pagkatapos nitong mahiwalay kay 2016 Miss International Kylie Verzosa noong Abril 2022.

Pero ang ganda ng chemistry nilang dalawa kaya siguro lagi silang ipina-partner sa isa’t isa. Nauna na ang “K-Love” na napanood sa VIU, ang umeereng “The Iron Heart” sa Kapamilya network with Richard Gutierrez at ang “Jack and Jill” sa Diamond Hills.

Hindi mo naman talaga pagsasawaan ang tambalan ng dalawa dahil isang seryoso at isang komedyana na puwede ring maging serious actress.

Sabi nga ni Jake seryoso siyang tao pero dahil kay Sue ay naging komedyante na siya and kung ano ang ibato sa kanya ng aktres ay binabalik din niya.

Pero ang dalaga ang nagsabing napakarami niyang natutunan kay Jake at inisa-isa niya ito sa nakaraang “Jack and Jill” sa Diamond Hills mediacon na ginanap sa TV5 noong Mayo 2.

“Sobra po akong nagpapasalamat kay Jake kasi siya ‘yung sobrang motivated, passionate. ‘Pag alam niyang naba-badtrip na ako, hinahawak niya ang kamay ko, ginaganyan ako. Siya talaga ‘yung kumakalma sa akin, so, very happy to work with Jake again especially in a sitcom. Sabi ko nga ang dami ko ng napulot sa kanya. Sana payagan din niya akong may maibigay din sa kanya kahit papaano, “napangiting kuwento ni Sue.

Hindi naman inalis ni Jake ang paningin niya sa leading lady habang inilalarawan siya at napapangiti pa.

“Sobrang grateful ako to be working with Sue saka sa magkakasabay na three project na leading man sa K-Love tapos Iron Heart then now (Jack and Jill sa Diamond Hills), parang sa three projects na ‘yun parang ngayon lang namin ini-reveal ang totoong personalidad namin sa isa’t isa.

“Kasi here sa Jack and Jill, mas kami, more on personality namin ito kaya parang first time ito kasi ngayon lang kami naka-arte na puwedeng maging kami.”

Baka Bet Mo: Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

“Bale second sitcom ko na po ito, nauna ‘yung kay Aga Muhlach na That’s my Doc kaya ang laging karangalan po sa akin ang sitcom na ito.

“Old school po ako, eh, I’ve seen all the big stars used to have sitcoms, so for me to have my own sitcom is such a big blessing and to have supporting cast, I’m just so grateful.  Thank you APT (Entertainment) for the opportunity,” mahabang kuwento ng aktor.

“APT for me is a family because when they (congress) shut down ABS-CBN, APT isa really the first who gave me work, APT was there for me,” dagdag pa niya.

Going back to Sue ay tinukso namin siya na baka sa palagian nilang magkasama ni Jake ay baka may ma-develop.

“Naku, eto (sabay turo kay Jake), malabo!  Sobrang kilalang-kilala ko na po siya (sabay iling).  Magkaibigan lang talaga,” sangga agad ng aktres.

Loyal kasi si Sue sa pulitikong boyfriend niya at kahit naman noong hindi pa sila ni Victorias City Mayor Javi Benitez ay wala kaming nabalitaang nangaliwa siya.  Tinapos muna niya ang naunang relasyon bago pumasok sa panibago.

Anyway, mapapanood na ang bagong sitcom na “Jack and Jill” sa Diamond Hills ngayong May 14. Handog ito ng APT Entertainment at TV5 mula sa direksiyon ni John ‘Sweet’ Lapus.

Iikot ang kuwento sa nakakaintrigang adventure ng dalawang undercover agents na sina Jack (played by Jake) at Jill (na gagampanan ni Sue Ramirez) para hulihin si Alyas Sexbomb, ang taong nagpapakalat ng Happy P, isang delikadong droga, sa buong Diamond Hills Subdivision.
Makakasama ng dalawa sina Ara Mina, Gardo Verzosa, DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho, Hershey Neri, Willie Miller at marami pang iba.

Related Chika:
Sue Ramirez: Nakakaloka! Hindi ko talaga in-expect na makakatambal ko si Richard Gutierrez!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending