Sue Ramirez: Nakakaloka! Hindi ko talaga in-expect na makakatambal ko si Richard Gutierrez! | Bandera

Sue Ramirez: Nakakaloka! Hindi ko talaga in-expect na makakatambal ko si Richard Gutierrez!

Reggee Bonoan |November 08,2022
facebook
share this

Sue Ramirez: Nakakaloka! Hindi ko talaga in-expect na makakatambal ko si Richard Gutierrez!

Reggee Bonoan - November 08, 2022 - 04:45 PM

Richard Gutierrez at Sue Ramirez

PERFECT timing talaga ang pagsikat ng isang artista dahil naikuwento sa amin ng TV executive na labis siyang natutuwa kay Sue Ramirez dahil unti-unti na nitong nakakamit ang kanyang mga pangarap.

Dati raw kasi ay laging naba-bump off ang aktres kapag nagka-casting sila for a project. Pero ang kausap naming TV executive ay gustung-gusto si Sue dahil nakitaan na niya ito ng sinseridad pero siyempre hindi lang naman siya ang magdedesisyon para mga artistang kasama sa isang project.

Lahat naman ng programang nagawa na ni Sue ay hindi naman siya nagpapahuli sa mga bida lalo na sa “The Broken Marriage Vow” kung saan umingay nang husto ang pangalan niya hanggang ibang bansa dahil sa napakahusay nitong pagganap sa karakter na Lexy Lucero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


At ngayon, ay muling susubukin ang husay ng aktres dahil kasama siya sa upcoming TV series na “Iron Heart” ni Richard Gutierrez na eere na sa Lunes, Nobyembre 14 sa Kapamilya network mula sa Star Creatives.

Maging si Sue ay abot-abot ang pasasalamat dahil leading lady siya rito ni Richard na hindi naman ito napag-usapan sa ginanap na mediacon ng “Iron Heart” kamakailan. Nabanggit lang kung ano ang karakter niya.

Sa panayam ni Mama Loi kay Sue na ina-upload sa “Showbiz Update” para sa YouTube channel nila ni Ogie Diaz kasama si Ate Mrena ay doon lang nalaman na leading lady siya ng aktor.

Humihiyaw na sabi ng aktres, “Nakakaloka talaga hindi ko ini-expect sa buong buhay ko na habang pinapanood ko ang mga pelikula ni Richard Gutierrez dati noong bata pa ako na makakatambal ko siya kahit kailan.

“At heto na nga po, I’m very, very grateful. He’s such a gentleman sobrang bait po talaga ni Chard and sobrang tutok talaga niya dito sa project na ito at talagang kaabang-abang kaya sana suportahan at panoorin po ninyo ang Iron Heart,” masayang sabi ni Sue.

At kahit sobrang busy ni Sue ay hindi pa rin niya nakakalimutan na may boyfriend siyang naghihintay sa kanya sa Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez bilang mayor.

“Lilipad po ako don (Sabado). Of course we have all our priorities and the people that we love understand those priorities that come with loving us.

“And I understand how Javi he does and he does with me also, so, it’s the right balance lang talaga that we really needed and siyempre communication and time for each other is very important also,” paliwanag mabuti ng dalaga.

Napag-usapan na ba nila ang kasal, “Hindi! (sabay tawa). 26 (years old) palang ako guys. Ang bata ko pa.”

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending