Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya! | Bandera

Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya!

Reggee Bonoan |June 07,2022
facebook
share this

Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya!

Reggee Bonoan - June 07, 2022 - 03:59 PM

Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez

SA ginanap na finale mediacon para sa Kapamilya serye na “The Broken Marriage Vow” ay naikuwento ni Sue Ramirez na fan siya ni Jodi Sta. Maria at una niyang nakita ang aktres noong 11-years-old pa lang siya.

“Kuwento ko po ang backstory kung paano ko nakilala si Ate Jodi na first time kong nakita at hindi pa po ako artista,” panimula ng aktres.

“I’m 11 years old tapos she was taping ‘Tayong Dalawa’ (sabay tanong kay Jodi), ‘Tayong Dalawa’ po ba, ‘yung kina Gerald Anderson at Kim Chiu?’

“So, nagte-taping sila sa village namin sa Parañaque tapos sabi sa akin, ‘nandoon si Jodi Sta. Maria’, so, nag-bike talaga ako simula sa bahay namin hanggang sa set nila na medyo malapit lang tapos nanood ako ng taping nila.

“Tapos baby pa si Thirdy no’n lumapit ako sa kanya (Jodi) tapos piniktyuran ko sila hindi ako nagpa-picture. Piniktyuran ko lang talaga sila ni Thirdy,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

“Alam mo ‘yung pag binabalikan ko ‘yung mga ganu’ng moments tapos ngayon ‘yung relationship namin ni ate Jodi, grabe sobrang hindi ko talaga ever in-imagine na ‘yung mga panahon na ‘yun that I will be working with her on this project (mangiyak-ngiyak na).

“Kaya ‘yun ‘yung binabalik-balikan ko palagi sa totoo lang sa tuwing nakakausap ko si ate Jodi hindi ko maalis talaga sa isip ko the first time that I saw her and kung paano niya ako tinanggap dito bilang katrabaho. It’s really a humbling experience,” balik-tanaw pa ng aktres.

Isa si Sue sa hinahangaan naming aktres dahil hindi siya showbiz, hindi namimili ng kausap at always magalang makipag-usap sa lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Kaya namin ito nasabi ay dahil sa naging sagot niya sa tanong kung sino ang naging ka-close niya sa co-actors niya during the lock-in shoot ng “The Broken Marriage Vow” for more than a month.

“Kaming mga artista papasok po sa set para maging close lahat hindi lang sa mga co-actors namin.

“We have to make it a point that we know each other on a personal level for us to become more comfortable while working on the set,” kuwento ng dalaga.

Sabi ni MJ Felipe na siyang nag-host ng show, hindi mo talaga masasabi ang buhay, noon ay isa kang fan at ngayon ay katrabaho mo na ang iniidolo mo.

Sabay hirit ng leading man nina Jodi at Sue na si Zanjoe Marudo ng, “Oo, ngayon binabatukan mo na!”

At nagkatawanan ang lahat dahil nga sa eksenang binatukan ng wagas ni Sue si Jodi nang ibuking na kabit ni Lexy (Sue) ang asawa ni Dra. Jill Ilustre (Jodi) ang asawang si David Ilustre played by Z.

Anyway, huwag bibitaw sa nalalabing tatlong linggong pasabog ng “TBMV” dahil magugulat kayo kung anong mangyayari sa ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending