Richard Gutierrez target i-angat, buhayin muli ang ‘action’ series sa bansa
PAREHO ang layunin ng dalawang action stars ng Kapamilya network na sina Richard Gutierrez at Coco Martin –gusto nilang pasiglahin ang action series sa telebisyon.
Nauna si Coco na ibalik ang action series sa telebisyon sa pamamagitan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at nag-click ito kaya nasundan ng “FPJ’s Batang Quiapo” na kasalukuyang number one sa primetime.
At dahil mas forte naman talaga ni Richard ang action kaya nagkaroon ng “Iron Heart” at maganda naman ang naging laban nito sa ratings game, lalo’t malalaking pangalan ng mga artista ang nakasama niya rito.
Heto, muling nagbabalik si Richard sa “Incognito” at inamin niya sa panayam niya na kasama siya sa nag-conceptualize nito at pangarap niyang malalaking artista muli ang mga bibida rito na hindi naman siya nabigo dahil sumakto rin ang schedules ng mga kasama niya.
Baka Bet Mo: Richard kay Barbie: Wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah
Sey sa panayam ni Chard sa MetroStyle ay, “Mapalad ako na makatrabaho ang same team ng The Iron Heart. And we wanted to develop a concept that’s more of an ensemble, a group of characters who will do action at gusto naming i-angat muli ang action series sa Pilipinas.”
Dagdag pa, “Ipina-visualize nila sa amin ang konsepto, ang laki ng palabas, at kung ano ang gusto naming makamit. And right there and then, I accepted it kasi alam kong magiging magandang project ito. At magtatrabaho ako sa isang mahusay na koponan. Makakatrabaho ko ang magagaling na aktor. It’s different, unang-una, ensemble cast ito. Mga malalaking artista, malalaking pangalan, at lahat ng gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga eksenang aksyon.”
Samantala, may dahilan pala kung bakit magaganda ang mga locations ng shooting sa “Incognito” tulad sa Palawan at Italy
“Gusto rin naming ipakita ang iba’t ibang bansa sa seryeng ito. Kaya, maglalakbay kami para sa seryeng ito at gumagawa ng mga eksenang aksyon sa ibang bansa para iangat din ang aming serye,” sambit ng aktor.
Anyway, nang mag-premiere ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Lunes, January 20, ay nakakuha ito ng 585,973 peak concurrent viewers.
“Obviously, marami pa akong different projects, different roles na gusto kong gawin in the future,” saad pa ni Chard na gumaganap bilang si Jose ‘JB’ Bonifacio, isang ex-military special forces agent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.