Albert, mga anak ginunita ang 10th anniversary ni Liezl Martinez

Liezl Martinez at Albert Martinez
GINUNITA ng veteran actor na si Albert Martinez ang ika-10 death anniversary ng kanyang asawang si Liezl Martinez sa pamamagitan ng social media.
Ibinahagi ni Albert sa kanyang Instagram Story ang mga video clips na kuha mula sa pelikulang pinagsamahan nila ni Liezl ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Walang isinulat na caption si Albert sa kanyang mga post pero maraming nagkomento rito at nagsabing patuloy nilang ipadarasal ang kapayapaan ng kalukuwa ng kanyang asawa pati na ang kanilang pamilya.
Sumakabilang-buhay si Liezel noong March 14, 2015 sa edad na 47 matapos makipaglaban ng ilang taon sa breast at lung cancer.
Inalala rin ng mga anak ni Albert na sina Alyanna Martinez, Alissa Martinez, at Alfonso Martinez ang araw ng pagkamatay ng kanilang ina.
Mensahe ni Alissa sa kanyang socmed post, “Today marks 10 years without mama.
“I really don’t know how I’ve been surviving and doing life and being a mother to three little babies without you here.
“I miss you every day and think about you a lot.
“I just can’t believe it’s been 10 long years. I wish you were here to enjoy all your grandchildren (heart emoji). You would’ve been a great Lola.”
Pahayag naman kay Alyanna, “10 Years Today 3/27/67 – 3/14/15.
“Not a day goes by I wish you were still here.”
Sa kanyang Instagram page, ni-repost naman ni Alfonso ang post ni Alissa.
Nagsimula ang showbiz career ni Liezl sa edad na 4 gamit ang screen name na Anna-Lissa. Ilan sa mga pelikulang nagawa niya bilang child actress ay ang “Portrait of an Angel” (1971), “Liezl at ang 7 Hoods” (1971), “Europe Here We Come” (1971), “Pinokyo en Little Snow White” (1972), “Poor Little Rich Girl” (1972), at “Anghel ng Pag-ibig” (1972).
Ni-launch naman siya bilang teenager, kung saan ginamit na niya ang kanyang real name, sa pelikulang “Ibulong Mo Sa Puso” na ipinalabas noong 1984.
Dito niya nakatambal ang isa sa mga pambatong matinee idol noon na si Albert Martinez na naging asawa nga niya matapos magkainlaban.
Hindi boto ang nanay ni Liezl na si Amaloa Fuentes sa pagmamahalan nila ni Albert kaya nagtanan sila at nagpunta sa Amerika hanggang sa doon na sila nagdesisyon na bumuo ng sarili nilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.