Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong | Bandera

Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Reggee Bonoan |July 25,2023
facebook
share this

Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Reggee Bonoan - July 25, 2023 - 07:32 AM

Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Maricel Soriano

AMINADO si Maricel Soriano na sa edad niyang 56 ay nahihiya siyang tawaging Diamond Star na nabanggit niya sa kanyang bagong YouTube vlog.

Natanong kasi sa kanya kung ano ang essence ng label na Diamond Star sa kasalukuyang panahon.

“Lagi kong sinasabi nagpapasalamat ako do’n sa binansag nila sa aking title, minsan nahihiya ako (kasi) parang 56 na, Diamond Star pa rin? Baka naman nag-crack na ‘yang diamond na ‘yan, ha? O baka may mga bula-bula ‘yan o di kaya mga nunal-nunal diyan!

“Hindi ko alam siyempre tayo pinipilit kong makagawa ng makabuluhang pelikula para sa ganu’n ‘yung mga bata na gustong panoorin ang pelikula ko makita nilang, ‘ay may saysay na naman itong si Inay, meron na naman akong natutunan dito sa pelikulang ginawa niya,’” opinyon ng premyadong aktres.

Nabanggit pa na na-outgrow na niya ang label na ito dahil naniniwala siya na pagharap niya sa Diyos, “Wala naman ‘yan, eh, di ba? It’s just a label. When you take out the level you are still you.

“Dapat lang tayo maging happy kasi may hanapbuhay tayo. Merong pagkain sa lamesa kasi nagkakapag hanapbuhay tayo, ang importante hindi tayo nagkakasakit lagi tayong magdasal na huwag naman tayong abutan nitong sakit na ito,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Sa pagbabalik-tanaw ni Marya ay sino ang mga naging karibal niya sa trabaho at ano-ano ang mga learnings niya?

“Nakakatawa pero ‘wag ka nang pumatol, Mary (sabi sa sarili). Kaya quiet na lang ako palagi. Kung baga sa nagkakaedad ka maiintindihan mo ‘tong ganitong sitwasyon pagtatawanan mo na lang ang sarili mo.

“Kung gusto mong magdi-die down lahat ng rivalry, kinembolar (gay lingo) na ganyan, isa lang, pipi ako, pero hindi ako bingi at hindi ako bulag.

“Sa kanila na lang ‘yung title sa akin na lang ‘yung pera! Kailangan kong maghanap-buhay because kalakal is life, di ba?” paliwanag ng Marya.

Samantala, hiningan ng komento si Maricel tungkol sa mga aktor na nakasama niya.

Si Christopher de Leon, “Si Brother Bo iba talaga ‘yung beterano na talaga, merong respeto ‘yun sa anggulo pag magkayakap. Nagtatanong siya, ‘anong gusto mo (anggulo).’ Saludo ako diyan kasi napaka-professional at napaka-gentleman niya.”

Baka Bet Mo: Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap

Ano naman ang say niya kay Cesar Montano, “Ay si Buboy? Proven ‘yan si Buboy masayang kasama walang ginawa kundi patawanin ako nang patawanin. Ganu’n siya talaga luku-luko ‘yan, eh. ‘Yan si Buboy love ko ‘yan.”

Ang isa rin sa naging leading man ni Marya na si Albert Martinez, “Ay si Little (pet name ng aktor), ang galing ni Albert kasi alam niya ‘yung takbo ng script.  Hindi siya artista lang parang direktor siya, magaling siya.”

Huling pagsasama nina Maricel at Albert ay sa seryeng “A General’s Daughter” kasama si Angel Locsin, “Doon bonggang-bongga kasi ini-interview ko siya sabi ko, ‘Little ang lalaki na ng mga anak mo! Ang guwapo at ang gaganda.’

“(Sabi raw ni Albert), ‘Ang hirap maging tatay, ha kasi ‘yung mga babae ko, ‘dad ganito ganyan’ nagkukuwento siya ng kung anu-anong ganyan. Parenting naman (topic nila),” sabi pa ng aktres.

E, anong masasabi naman nito kay Aga Muhlach? “Ay revelation na ito kasi talagang sinabi ko, ‘may bago kang fan Aga.’ Sabi niya, ‘talaga, sino?’ sabi ko, ‘Ito kaharap mo, oh!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


“Alam mo iba, he’s different. Gugulatin ka niya, eh. Pag take ay siya nga ba? Sabi ko ang husay ng mamang ito. Sabi ko, ‘ay Aga Muhlach magaling ka pala talaga ano?’ Sabi ko mahusay ka ‘what’s your name again? Sabi ko talaga sa kanya.’ Sabi niya, ‘Mary tigilan mo nga ako!’ sabi ko sa kanya,” ang tawa nang tawang paglalarawan ni Maricel kay Morning.

Ano naman ang dating ni Edu Manzano? “Ay kaibigan ko ‘yan. Mas maganda ‘yung aming relationship ngayon. Muntik na kaming magsama sa teleserye.  Masarap ‘yan katrabaho wala kasi kaming problemang dalawa, maayos kami,” saad ng ex-wife ng aktor.

Sa bestfriend naman niyang si Roderick Paulate, “Siya ba ang pinag-uusapan? Si Roderick Paulate kamo (muwestra ng biruan nila). Napakabait na tao ‘yan. Napakatalino ng tao na ‘yan.

“At kaya ko siya mahal na mahal dahil nakita ko kung paano niya mahalin ang tatay at nanay niya. Wala, saludo ako sa ‘yo Dustin by Lady Godiva! I love you, you know that rain or shine sa ilong mo ako este sa iyo ako,” pahayag ng BFF ni Kuya Dick.

At sa mga young actor ngayon ay gustong makatrabaho ni Marya si Enchong Dee, “Sinabi ko ito sa kanya ng magkita kami, ‘do you know that I watched you? And everytime you cry, you break my heart.

“Sabi ko ‘bata ang galing mo! I want to work with you.’ Everytime he’s not crying masasakit na salita na pinipigil niya ‘yung iyak niya wala durog-durog ang puso ni Inay Mary,” sabi ng aktres.

At isa pang aktor na gustong makatrabaho ni Maricel ay si Daniel Padilla na mala-Bonnie and Clyde on the run.

Maricel sumabak sa pa-acting challenge ni Vice, gayang-gaya sina Nora, Vilma at Dolphy; winner sa ‘Banayad Whiskey’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending