Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap
NUMBER one “kalaban” daw siya ng kanyang mga anak noon sakaling magdesisyon ang mga ito na pasukin ang mundo ng showbiz, ang pag-amin ng veteran actress na si Maricel Laxa.
Ayon sa award-winning female star, totoong kontra siya sa pagpasok sa entertainment industry ng mga anak nila ni Anthony Pangilinan pero unti-unti raw itong nagbago sa pagdaan ng panahon.
Nakikita raw niya ngayon na super happy ang mga anak sa napili nilang career at bilang ina, nandiyan lamang siya para gabayan at suportahan ang mga ito sa kanilang mga proyekto.
“When it comes to our children, si Donny (Pangilinan) is the one in showbiz and si Hannah is more of creator of digital platform. And then my daughter naman, si Ella, is more in the lifestyle area. Si Benj is in the music industry naman.
View this post on Instagram
“So sa akin, namamangha ako every time na nakikita ko ang mga anak ko na they’re pursuing the things that they really love,” pahayag ni Maricel sa ginanap na virtual mediacon ng “Apoy Sa Langit” kamakailan.
Ang bunsong anak naman nina Maricel at Anthony na si Solana ay 10 years old pa lamang pero sabi ng aktres, 100 percent din ang ibibigay niyang suporta sa bagets kung anuman ang magiging hilig nito.
Kahit nagmula rin sa pamilya ng mga artista (ang mga magulang niya ay sina Tony Ferrer na tinaguriang James Bond of the Philippines at ang premyadong aktres na si Imelda Ilanan) ay hindi niya in-encourage na mag-artista ang mga anak.
“Never ko silang in-expose sa showbiz to a point na may plano rin ako na sana mag-showbiz sila.
“In fact, ako pa ang number one kalaban na mag-showbiz, kasi gusto ko na matapos nila ang pag-aaral nila.
“Pero, wala na talaga akong magagawa kung creative ang mga anak ko, so I’d really like to just support them.
“I’m just really blessed to see na they’re now having their own space, own platform, own following,” paliwanag ng aktres.
Samantala, natanong din si Maricel kung ano ang palagi niyang ipinaaalala sa mga anak lalo na kay Donny na isa na ngayon sa pinakasikat na young actor sa bansa?
“Ang palagi kong reminder, sana, kung ano man yung nae-experience niyo na success, sana ginagamit niyo yun para sa mabuting paraan na maka-inspire rin kayo ng ibang mga tao. Na maabot din nila ang mga dreams and aspirations nila. So that’s where I am right now,” pahayag ni Maricel.
Feeling lucky naman ang aktres ngayon dahil sa kabila ng pamamahinga niya ng mahabang panahon sa showbiz ay mainit pa rin siyang tinanggap ng mga manonood.
Pagkatapos ng matagumpay na comeback series niya sa GMA na “Mano Po Legacy” ay agad nga siyang binigyan ng follow-up project, ang hit na hit ngayong Afternnoon Prime na “Apoy sa Langit”.
“Yung feeling na meron kang project at this time, yung magkaroon ka ng chance na makasama mo ulit yung mga tao na dating nakasama mo. And, ako kasi, ang dami-raming taon na dumaan, ‘tapos parang nag-iba na yung buhay ko, nag-iba na ang sistema ko.
“And then, kapag bumalik ka pala doon sa isang mahal mo, parang hindi mo talaga nakakalimutan iyon, and then muscle memory na lang yung gumagana.
“‘Tapos, pagbukas mo ng isip at puso mo, marami ka pang matututunan, kaya exciting. I’m thankful, I’m excited and I’m looking forward to more things to come,” pahayag pa ng mommy ni Donny.
https://bandera.inquirer.net/312492/maricel-naiisip-na-ring-mag-retire-sa-showbiz-pero-hindi-ko-siya-pwedeng-talikuran
https://bandera.inquirer.net/298727/yassi-nanginig-nang-makita-si-maricel-soriano-super-kilig
https://bandera.inquirer.net/279503/sharon-sinumbong-si-maricel-sa-madlang-pipol-game-pa-rin-sa-reunion-movie-nila-ni-gabby
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.