Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala 'pag ikaw binibibigyan | Bandera

Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala ‘pag ikaw binibibigyan

Reggee Bonoan |May 25,2023
facebook
share this

Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala ‘pag ikaw binibibigyan

Reggee Bonoan - May 25, 2023 - 03:49 PM

Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala 'pag ikaw binibibigyan

“SOBRANG saya ko!” ito ang nasambit ni Rosanna Roces sa ginanap dinner blow out niya sa isang restaurant nitong Miyerkoles ng gabi.

Mga kaibigang matagal nang hindi nakikita ni Osang at miyembro ng pamilya nila ng asawang si Blessy Arias ang bisita na ito talaga ang gusto ng aktres.

Tanda namin noong nasa rurok ng kanyang kasikatan pa si Osang ay hindi talaga siya mahilig sa showbiz party at mas gusto niyang mga dating kaibigan at pamilya kasama. Hindi pa rin pala siya nagbago.

Natawa kami sa tanong namin kung ano ang wish niya sa 51st birthday niya, “pera ano pa. ‘Wag na tayong magpaliguy-ligoy, kailangan ng pera.”

Matagal na rin kasing walang trabaho si Osang dahil ang huli niyang TV series ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na sobra niyang minahal ang project na iyon dahil ang saya-saya raw kasama ng buong team.

“Isa kaming malaking pamilya Reggee, walang malaki at maliit na artista sa set kung magturingan, pero siyempre alam naman din natin na nandoon sina Megastar Sharon Cuneta sabi ko nga, siya mismo ang baba para kausapin ka, sobrang humble.

Baka Bet Mo: Sharon buking kay Osang: ‘Kapag ayaw niya sa ‘yo, ayaw niya sa ‘yo! Pero pag nagustuhan ka niya sobra naman talaga!’

“Si LT (Lorna Tolentino), sina John (Estrada), lahat masarap kasama, ang mga bagets tulad nina Shaina (Magdayao), Julia (Montes) lahat sila mababait grabe. Si Sancho Vito (De las Alas) naging kaibigan ng anak ko si Onyok (kasama rin sa serye) kaya sabi ko sa’yo ang sarap ka-trabaho ng buong team. Lalo naman si Coco, adik sa trabaho, walang pahinga. Sobrang alaga kaming lahat,”pagbabalik-tanaw ng aktres.

Nasambit din ni Osang na napasaya siya sa regalong diamond earrings mula kay Blessy na suot-suot niya nu’ng gabi dahil katwiran niya ito ang una niyang alahas.

“Pansin mo naman noon na hindi ako mahilig sa alahas kasi walang butas ang tenga ko, puro de ipit lahat, puro accessories. Wala akong tunay na alahas, bumili ako ng diamond na hikaw para sa premiere night ng pelikulang “La Vida Rosa” tapos ipinabenta ko rin after,” kuwento ng aktres.

Ang “La Vida Rosa” ay idinirek ni Chito Rono noong 2001 at si Diether Ocampo ang kasama ni Osang dito.

Dagdag pa ni Ms. O sa showbiz, “Ngayon lang ako nakatikim nan ire-regaluhan at binibigyan ng pera, ha, ha, haha. Dati kasi ako lagi hinihingan. Masarap pala pag ikaw binibibigyan.”

May isa pa palang wish si Osang, “sana magkaroon ako ng series o sitcom para may regular show ako.”

At dahil wala pang show ang aktres ay wala siyang ginawa kundi magluto ng magluto kaya ang ending, “ang tataba naming lahat, ha, ha, hahaha.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Rosanna Roces kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending