Osang ibinandera ang regalong bigay nina Coco at Julia: Akala ko nagbibiro lang | Bandera

Osang ibinandera ang regalong bigay nina Coco at Julia: Akala ko nagbibiro lang

Therese Arceo |October 20,2021
facebook
share this

Osang ibinandera ang regalong bigay nina Coco at Julia: Akala ko nagbibiro lang

Therese Arceo - October 20, 2021 - 02:05 PM

Osang ibinandera ang regalong bigay nina Coco at Julia: Akala ko nagbibiro lang

IBINANDERA ng beteranang aktres na si Rosanna “Osang” Roces ang regalong natanggap niya mula sa rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Sa Instagram post ni Osang ay ibinandera niya ang smart oven na iniregalo ng dalawa sa kanya. Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa dalawa dahil hindi raw niya ine-expect na totohanin nito ang inaakala niyang biro lang.

“Akala ko nagbibiro lang si Coco nung sinabi niya sa akin na.. Ibibili kiya nyan Mommy O. Nagulat ako pagdating ni Julia kanina.. pinadala nya agad ito (smart oven),” saad ni Osang.

Masayang-masaya ang beteranang aktres sa regalong natanggap niya.

“Ang aga ng Pasko ko hahahaha… ansarap sa pakiramdam pag inaalam nila yung hilig mo gapos reregaluhan ka nila dahil alam nilang magagamit ito ng husto.

“Maraming salamat @cocomartin_ph at @montesjulia08.. love ko kayong dalawa. I te treasure ko to ng husto,” sey pa ni Osang.

Marami naman ang mas lalong humanga sa rumored couple dahil sa ipinamalas nitong kabutihan at kabaitan kay Osang.

“Ang sweet ng cocojul namin,” saad ng isang fan account.

“Kaya sobra ang suporta at pagmamahal namen sa kanila. Ganyan po sila kabuti kaya bagay na bagay po sila,” comment naman ng isa pang fan.

“Ehem!” pabirong comment naman ni Michael Flores na kasamahan rin ng tatlo sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

May mga netizens rin na napa-sana all na lang at napahanga nang malaman na isang mahal na brand ang iniregalo ng rumored couple kay Osang.

Magkakasama sina Rosanna Roces, Coco Martin, at Julia Montes sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na ngayon ay anim na taon nang namamayagpag sa telebisyon.

Karagdagang ulat:

Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending