Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen | Bandera

Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Ervin Santiago |April 04,2021
facebook
share this

Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Ervin Santiago - April 04, 2021 - 02:01 PM

KUNG siya ang tatanungin, gusto pa sanang magkaroon ng isa pang anak ng award-winning actress na si Rosanna Roces.

Ayon kay Osang, kaya pa naman niya ang mag-alaga ng baby pero mukhang kontra nga sa ideyang ito ang lesbian partner niyang si Blessy Arias.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang project sa Viva Films at Vivamax, ang digital “rant-seryeng” “KPL (Kung Puwede Lang)” napag-usapan ang tungkol sa baby.

“Kung puwede lang magkaanak pa sana kami,” sey ni Osang kasabay ng pag-amin na napag-usapan na raw nila nila ni Blessy ang tungkol dito pati na ang pag-aampon ng sanggol.

“Oo, napag-usapan namin very recent lang. Tinanong ko siya kung gusto niya. Ayaw daw niya. Hintayin na lang daw namin ang next apo namin kay Onyok (bunsong anak ni Osang).

“Ayaw na raw niyang mag-alaga, unless nga kung anak ni Onyok,” dugtong ng aktres.

Paliwanag pa ni Osang, nami-miss daw kasi niya ang magkaroon ng baby sa bahay, “Kapag nai-stress ako, nalulungkot, ang ginagawa kong libangan ay tumingin ng mga babies sa Instagram.

“Tinitingnan ko yung mga anak nina Coleen Garcia, Anne Curtis, at Solenn Heussaff. Hinahanap ko yung latest posts nila tapos pag nakita ko yon masaya na ako, good vibes na,” pagbabahagi pa ni Osang.

Samantala, mukhang favorite nga ni Direk Darryl Yap si Rosanna dahil kasama na naman siya sa latest project nitong “KPL”.

Ito na ang pangatlo nilang pagsasama sa proyekto ng Viva, ang una ay sa sex-comedy na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” at ang ikalawa ay sa “Revirginized” na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta na malapit na ring ipalabas.

Kuwento ni Osang, “Si direk kasi para yang si Adam Sandler, na kung sino na yung makagaanan ka ng loob siya na.

“Saka may feeling kaming dalawa na swerte kami kapag magkasama kami. Parang lahat ng gusto naming matupad, nangyayari basta magkasama kami,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Rosanna, kasama rin sa “Kung Pwede Lang” ang original “KPL” girl na si Loren Mariñas at sina Carlyn Ocampo, Dexter Doria, Bob Jbeili at Dennis Padilla. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa April 9.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending