Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, 'wag lalaki ang ulo dahil 'yan ang ikasisira n'yo | Bandera

Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Ervin Santiago |November 14,2021
facebook
share this

Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Ervin Santiago - November 14, 2021 - 03:14 PM

WALA nang naramdamang takot at hiya sina Alma Moreno at Rosanna Roces nang gawin nila ang “#Pornstar 2: Pangalawang Putok”, ang sequel sa matagumpay na pelikula nilang “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Porn Star.”

Sa part 1, nakasama nila ang kontrobersyal na sexy star ngayon na si AJ Raval (dahil sa relasyon nila ni Aljur Abrenica) at dito sa part 2, ilo-launch naman ng Viva Films ang apat pang baguhan na palaban din sa hubaran — sina Sab Aggabao, Stephanie Raz, Cara Gonzales at Ayana Misola.

Sa ginanap na virtual presscon ng movie kamakailan na idinirek pa rin ni Darryl Yap, natanong sina Alma at Rosanna kung ano ang naging reaksyon ng mga anak nila sa part 1 ng movie?

“Natawa sila. And now, ang mga anak ko, nakaabang na sa trailer pa lang nitong sequel. Ibang Alma Moreno ang makikita nila rito. Marami na namang ipinagawa sa amin si Direk Darryl na hindi pa namin nagawa before,” sagot ni Ness (palayaw ni Alma).

“My daughter Winwyn, tawang-tawa siya, ikinukuwento ko pa lang. Pero hindi lang naman ito basta puro pa-sexy o paghuhubad, kundi may aral talagang mapupulot ang viewers,” aniya pa.

Sey naman ni Osang, tawang-tawa raw ang mga anak niya sa “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Porn Star,” “Now, I also sent the trailer of the new movie to my children. Si Onyok, tawang-tawa siya.

“Maski ang apo ko, ang sabi lang niya, ang ganda ng lola ko. Mas open na ang viewers ngayon. Tanggap na nila, like yung mga ginawa ni Sharon (Cuneta) sa ‘Revirginized’.

“Dapat lang, bantayan ng mga magulang ang mga bata para hindi makapanood ng ganitong for mature viewers lang. Sa family dapat mag-start ang self censorship,” sabi pa ng award-winning actress.

Ka-join pa rin sa “#Pornstar 2: Pangalawang Putok” sina Maui Taylor at Ara Mina kaya natanong sila kung kumusta ang muli nilang pagsasama-sama sa pelikula.

“Kami ni Osang, saluhan kami ng dialogue, we’re like sisters. Si Maui ang pinakabagets sa amin, mabait na bata. Tinuruan niya ako pagdating sa iba pang gamit ng cellphones kasi hindi ako techie.

“Si Ara naman, we had the same manager noon, the late Nene Riego, so nagkakasama kami sa shows noon. Matulungin siya sa tao.

“Tinuruan niya ako kung paano ako magkaroon ng Instagram account. Ako ang pinaka-senior sa kanila, kaya Mama Ness ang tawag nila lahat sa akin,” pahayag ni Alma.

Sey naman ni Osang, “Si Ness, nakasama ko na noon sa sitcom na ‘Daboy and Dagirl’ kaya naging close na kami.

“Si Ara, nakasama ko na sa ibang movies noong bata pa siya. Now, may ibang concerns na siya ngayon kasi may anak na siya and devoted siya sa husband niya.

“Magkasama rin kami ngayon sa ‘Ang Probinsyano’. Si Maui, marami kaming common friends at sponsors sa pagkain kaya talagang may piging kami lagi.

“Mas naging close kaming lahat ngayon at mas nagustuhan ko ang samahan namin dito sa ‘Pornstar 2,’” chika pa ni Osang.

Samantala, sa tanong naman kung ano ang masasabi nila sa mga bagong sexy star na bibinyagan nila sa pelikula pagdating sa hubaran at pakikipag-love scene.

Tugon ni Alma, “Magaling pumili ang Viva. May acting talent sila, marunong sila sa drama, kay bibilis umiyak. Kapag sumikat kayo, ‘wag kayo magbabago ‘wag lalaki ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo.”

Pahayag naman ni Osang, “Sabi ko sa kanila, huwag nilang ikakahiya ang ginagawa nila. Just think of it as a stepping stone sa career nyo dahil may iba kayong pupuntahan after that.

“Gaya rin ng nangyari sa akin. Sa ganyan ako nagsimula and up to now, I’m glad nandito pa rin ako. But ‘yung mga baguhan dito, puro palaban sa hubaran,” dagdag pa ng aktres.

Mapapanood na ang “#Pornstar 2: Pangalawang Putok” simula sa Dec. 3, sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East and Europe. This Nov. 19, Vivamax will be available in USA and Canada.

Related Chika:

Alma suportado ang lovelife ni Joey; Winwyn may inamin tungkol sa ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending