Alma suportado ang lovelife ni Joey; Winwyn may inamin tungkol sa ina | Bandera

Alma suportado ang lovelife ni Joey; Winwyn may inamin tungkol sa ina

Ervin Santiago |April 27,2021
facebook
share this

Alma suportado ang lovelife ni Joey; Winwyn may inamin tungkol sa ina

Ervin Santiago - April 27, 2021 - 09:25 AM

SUPORTADO ng veteran actress na si Alma Moreno ang lovelife ng dati niyang asawang si Joey Marquez.

Kung may isang celebrity couple noon na nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama ngunit napanatili pa rin ang magandang relasyon hanggang ngayon, yan ay walang iba kundi sina Joey at Ness.

Nagkuwento ang aktres tungkol sa friendship nila ng kanyang ex-husband sa latest vlog ng kanilang anak na si Winwyn Marquez.

Dito nagbigay din ng advice si Alma  para sa mga taong niloko ng kanilang mga dyowa. Aniya, marami-rami na rin siyang experience pagdating sa usaping love.

“Seryoso ‘to, kasi marami na pong pinagdaanan. Hindi, joke lang!” birong chika ng aktres sa unang bahagi ng vlog ni Winwyn.

Sabi ni Alma, kung siya ang tatanungin, siya raw ang tipo ng babae na handang gawin ang lahat hangga’t napi-feel niya na kaya pang isalba ang isang relasyon.

Aniya, “Hanggang kaya mong isalba ‘yung relasyon ninyo, isasalba mo. Pero kung napuno na ‘yan, may hangganan talaga ‘yan. ‘Pag naubos ka, sorry ka.”

“Kasi kapag ayoko na, ayoko na. Kasi kumbaga ginawa ko na ‘yung part ko, eh. Wala siyang masisisi sa ’yo na bakit hindi ka nagtiis. Sobra na ‘yun eh,” paliwanag pa ng nanay ni Winwyn.

Samantala, sa mga nagtatanong kung magkasundo o magkaaway ba ang mga magulang niya, sinabi ng beauty queen-actress na parang mag-BFF daw ngayon sina Ness at Tsong Joey.

“Maayos sila. They’re like best friends. My mom and my dad are like best friends. And it’s nice na nakakausap ko sila tungkol sa mga ganitong bagay,” chika ng Kapuso star.

Sabi naman ni Alma, “Kasi kami naman ng Daddy mo, magkaibigan kami. Sobrang magkaibigan kami ngayon lalo na pagdating sa mga anak po namin. Sobrang nagkakasundo ho kami.”

Kasunod nito, nabanggit nga ni Winwyn na super happy ngayon ang kanyang tatay sa piling ng babaeng karelasyon nito ngayon.

“My dad is with someone. He’s very happy with this someone,” sabi ni Winwyn ngunit hindi binanggit kung sino ang karelasyon ng ama.

Ayon naman kay Alma, natutuwa siya para sa dating mister dahil sa wakas ay nakahanap na rin ito ng taong makakasama at magmamahal sa kanya  habangbuhay.

“Natutuwa po ako dahil nakatagpo na po siya ng talagang mabait po at mag-aalaga sa kanya,” sabi pa ni Alma.

Hirit naman Winwyn, napapansin daw niya na maganda ang takbo ng showbiz career ng kanyang nanay kapag wala itong karelasyon.

“Kapag merong love life ang mom ko, sobrang nahihirapan siya sa work. Kapag wala naman siyang lovelife, sobrang nagpo-prosper siya sa trabaho niya,” dagdag na chika pa ni Winwyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Ness, “Kasi ho pagdating sa work, ang priority ko talaga, work eh. Wala hong kaplastikan ha, alam mo ‘yun Wyn.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending