Kazel never naging kabit ni Richard: Hindi nga kami friends, eh!

Kazel Kinouchi never naging kabit ni Richard: Hindi nga kami friends!

Ervin Santiago - December 03, 2024 - 07:30 AM

Kazel Kinouchi never naging kabit ni Richard: Hindi nga kami friends, eh!

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi

NEVER, as in never naging dyowa o kabit ni Richard Gutierrez ang Kapuso actress at “Abot-Kamay na Pangarap” star na si Kazel Kinouchi.

Mariing itinanggi ni Kazel na siy ang dahilan kung bakit nawasak ang pagsasama nina Richard at Sarah Lahbati bilang mag-asawa.

Muling napag-usapan ang isyung ito sa nakaraang episode ng “Lutong Bahay” sa GTV matapos ungkatin ng host ng programa na si Mikee Quintos ang mga matitinding intriga about Kazel.

Paliwanag ng dalaga nagsimula ang tsismis sa kanila ni Richard nang makita silang magkasama noong Halloween 2023 sa village kung saan pareho silang nakatira.

Baka Bet Mo: Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

“Last year, nadikit yung name ko sa kanya. Parang nakita kami together sa breakup,” ang kuwento ng aktres.

Bago matapos ang November, 2023  nagsimulang maglabasan ang chika na naghiwalay na sina Richard at Sarah kaya napagbintangang siya ang third party sa breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KK (@kazelkinouchi)


Sey ni Kazel, “So we had common friends. Actually, hindi nga kami friends ni Chard.

“Sakto, nandito lang siya, same street. Tapos, napiktyuran kami. May picture, umupo ako sa isang bahay tapos siya nandu’n din sa kabilang bahay,” esplika ng Kapuso star.

Nilagyan lang daw ng malisya ng mga tao ang simpleng litrato nila ni Richard at pinalaki ang isyu sa social media, “Kasi nga, naghahanap yung mga tao ng reason kung bakit.”

Nauna nang nagpaliwanag ang Filipino-Japanese actress at dating “Pinoy Big Brother” housemate sa isang panayam tungkol sa pagtawag sa kanya ng mga bashers ng masasakit na salita dahil sa hiwalayang Sarah at Richard

“Nu’ng una nakakatawa kasi wala talagang katotohanan kasi may explanation kung bakit ganu’n yung situation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakatawa pero siyempre nu’ng medyo tumatagal-tagal na, ang dami nang nagbubulabog sa akin, wala naman akong kasalanan,” sabi pa ni Kazel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending