Richard Gutierrez huli, pinusuan ang bikini pic ni Barbie

Richard Gutierrez huli, pinusuan ang bikini pic ni Barbie

Therese Arceo - July 09, 2024 - 05:43 PM

Richard Gutierrez huli, pinusuan ang bikini pic ni Barbie

HINDI nakaligtas sa mga mapanuring netizens ang pagla-like ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez sa larawan ni Barbie Imperial.

Napansin kasi mg mga netizens ang pamumuso ng aktor sa isa sa mga Instagram post kung saan nakasuot ito ng kanyang bikini.

Mukhang bantay sarado nga sina Richard at Barbie mula sa mga marites dahil talaga namang abangers ang mga ito sa maliliit na bagay maging ang simpleng aktibidad nito sa social media ay talagang minamanmanan nila.

Ang naturang larawang na ni-like ng aktor ay ang picture ni Barbie na chillax na umaawra sa swimming pool na may caption na “happy hour”.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mas lalo nga tuloy napapatunayan ng mga netizens nactila mayroong namamagitan sa pagitan ng dalawa.

Hula pa nga ng mga ito na baka si Richard pa raw ang nag-picture kay Barbie.

Matatandaang ilang buwan na rin namang naiisyu kung ano nga ba ang real score na namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa ngayon ay wala pa ring pormal na pahayag ang kampo nina Richard at Barbie kung may something nga ba sa kanila.

Unang na-link si Barbie sa aktor matapos silang maispatan together sa isang bar sa Alabang.

Ito ay nangyari ilang linggo matapos aminin nina Richard at Sarah na nagdesisyon na silang maghiwalay matapos ang ilang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito lang rin nang makita silang together sa South Korea kung saan marami sa mga Pinoy ang nagpa-picture sa kanilang dalawa.

Sa kabila nito ay nananatili pa rin namang tahimik sina Richard at Barbie sa tunay na lagay ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending