Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

Therese Arceo |April 03,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

Therese Arceo - April 03, 2024 - 05:29 PM

Richard Gutierrez, Barbie Imperial iniintrigang magkasama

MULI na namang naiintriga sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial matapos pagsuspetsahan ng mga netizens na magkasama itong nagbabakasyon.

May mga netizens kasi ang nagsasabing tila nasa iisang lugar ang dalawa dahil may pagkakapareho ang background ng mga ito sa pictures.

Ibinahagi kasi nina Richard at Barbie ang mga larawan at video sa social media na kuha nang magbakasyon sila nitong Holy Week.

Makikitang parehas na nasa beach ang dalawa.

“Steady but ready,” caption ni Richard sa kanyang post na isang drone shot habang chilling sa tabing dagat.

Samantala, super fresh naman ni Barbie sa kanyang mga larawan na may caption na “Happy Easter”.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati magkahiwalay na ipinagdiwang ang 6th birthday ng anak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang pinutakti ng netizens ang post ni Richard at karamihan ay sinasabing tila magkasama sila ni Barbie.

Hula pa ng isang netizen, nasa Ticao Island, Masbate raw ang Kapamilya actor.

Narito ang ilang komento sa post ni Richard:

“Dati si @sarahlahbati lang dinadala mo dito sa Ticao Island ah, ngayon si @msbarbieimperial na,” saad ng isang netizen.

Usisa naman ng isa sa post ni Richard, “Same background sila ni barbie. What a coincidence. Char.”

“Baka nagtago makikita sa video, magaling pa naman mag-imbestiga mga netizens,” hirit naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang na-link sina Richard at Barbie matapos silang makitang magkasama sa isang bar.

Pinabulaanan naman nina Ogie Diaz at Cristy Fermin ang intrigang may something sa pagitan ng dalawa.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw nina Richard at Barbie ukol sa hinala ng mga netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending