Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

Therese Arceo |January 09,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

Therese Arceo - January 09, 2024 - 06:41 PM

Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens kung ano nga ba ang namamagitan sa Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Ito ay may kaugnayan sa mga kumakalat na pictures sa social media matapos silang makita together sa isang bar sa Alabang.

Chika pa nga ng iba, “bantay sarado” raw si Barbie kay Richard.

May mga nagsasabi ring inalalayan pa ng asawa ni Sarah si Barbie nang magpunta ito sa CR.

May kumakalat rin na screenshot ng convo kung saan sinasabing sabay raw silang dumating sa bar para sa birthday ng kanilang kaibigan.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang mag-isip kung may something nga ba sa pagitan nina Richard at Barbie.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, mga anak 1 buwang nakikitira kay Annabelle Rama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Baka naman magkakaroon lang ng movie together kaya nagpapaingay ng pangalan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Baka naman yung kambal ni Richard yan. Masyado kayong judger.”

“Waiting for Xian Gaza for the latest update. Paniguradong may spluk yan if true,” sey naman ng isa.

Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama inunfollow na si Sarah Lahbati sa IG

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Richard hinggil sa pagkaka-viral ng video nila ni Barbie na kuha sa loob ng gastropub.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging si Barbie ay nananatiling walang imik kahit marami nang mga negatibong komento ang ibinabato sa kanya.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Richard at Barbie hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending