Barbie Imperial knows nga ba kung sino ang ina ng anak ni Diego Loyzaga? | Bandera

Barbie Imperial knows nga ba kung sino ang ina ng anak ni Diego Loyzaga?

Reggee Bonoan |June 10,2023
facebook
share this

Barbie Imperial knows nga ba kung sino ang ina ng anak ni Diego Loyzaga?

Reggee Bonoan - June 10, 2023 - 08:52 PM

Barbie Imperial knows nga ba kung sino ang ina ng anak ni Diego Loyzaga?
HOW true na may alam si Barbie Imperial kung sino ang ina ng anak ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga?

Base sa kuwento ng aming source ay kilala ng aktres kung sino ang karelasyon ng dating boyfriend pero hindi nito alam na magkakaroon sila ng anak.

“Kahit paano ay may nakakarating na balita sa lola (Barbie), you know mga common friends nila pero wit know ng lola na magkakaanak si Diego kasi hindi pa naman ganu’n kalalim ang relasyon nila. Saka si Diego naman career muna ang priority niya, di ba?

“Kaya siguro hindi pa nilalantad ng lolo (Diego) ang identity ng mom ng baby niya kasi hindi rin naman ito showbiz, so alam mo na, privacy,” kuwento ng common friend namin ng aktres.

Ano ang naging reaksyon ni Barbie ngayong tatay na ang dating boyfriend.

“Parang sabi lang, ‘ah talaga okay’ parang wala na rin pakels ang lola mo kasi matagal na rin naman siyang naka-move on, hindi lang niya expected na magkaka-baby kaagad kasi nga gusto muna ni Diego mag-ipon ng mag-ipon,” kaswal na tsika ng aming source.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Pagkatapos pala ng relasyon nina Diego at Barbie ay maraming naka-date na taga-showbiz at non-showbiz ang aktor kaya hindi rin kataka-taka kung isa sa mga naka-date ng aktor ang ina ng kanyang panganay.

Hindi naman masagot ng aming source kung posibleng maging good friends pa sina Diego at Barbie.

“Ahh, baka naman, hindi ko alam, eh. Baka pag nagkita at magka-usap sila, okay naman kasi sila, eh. Hindi lang nasundan ang bonding nila after nilang maghiwalay,”tsika pa ng aming source.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang update post si Diego tungkol sa anak kahit maraming nagtatanong kung sino ang ina ng bata at kung kailan siya magsasalita tungkol dito.

Related Chika:
Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending