Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha! | Bandera

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Ervin Santiago |March 22,2022
facebook
share this

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 11:15 AM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

USAP-USAPAN ng mga “Marites” nitong mga nagdaang araw ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial na tila nananahimik na naman matapos ang break-up nila ni Diego Loyzaga.

Marami ang nakapansin na parang nawawala na naman sa eksena ang dalaga matapos silang “magkaiwanan” ng kanyang ex-boyfriend na hunk actor.

Kahit hindi naman talaga tumagal nang bonggang-bongga ang kanilang relasyon, marami ang nagsasabing higit na dinamdaman ni Barbie ang pahihiwalay nila ni Diego dahil mas malalim siyang magmahal.

Kaya raw nu’ng naghiwalay ang dalawa, si Barbie ang talagang nakaramdam na parang iniwan sa ere ng taong pinakamamahal.

Sa totoo lang, nawala siya sa ere nang matagal-tagal ding panahon.

Hindi siya napagkikita sa mga gimikan na dati nilang pinupuntahan ni Diego at ng kanyang mga barkada. Marami ang nagsabi na panay daw ang mukmok niya kaya medyo nadagdagan ang kanyang timbang, lalo na sa bandang puson.

Ang haka-haka nga ng mga “Maritess” ay meron na siyang dinadalang… alam n’yo na!? Knows n’yo naman na lumaki lamang ang tummy ng isang female star ay iisiping buntis na.

Ayon sa isa nating source, nakita at nakachikahan niya kamakailan si Barbie sa isang beach resort sa Batangas. At talagang nagulat daw siya nang ma-sight ang dalaga nakasuot ng orange two-piece bikini na hapit na hapit sa kanyang super flawless na sexy body.

“Naku po! Hindi po yan totoo, busy lang po ako sa aking vlog. Ngayon nga po ay nandito ako (Batangas) upang sorpresahin kayo sa aking bagong baby na pinagkakaabalahan ko ngayon.

“Pero hindi ko muna sasabihin. Basta ito ay pang-forever na. Wala na itong iwanan,” sabi ni Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Ang promise niya, sa susunod na linggo, ipakikilala na niya sa kanyang mga followers ang bago niyang “baby.” At ipinagdiinan pa niya na dahil dito ay umaasa siya na wala na talagang iwanan.

Samantala, kinilig naman ang netizens nang magpalitan ng mensahe sina Barbie at Diego sa Instagram matapos ibandera ng aktres ang kanyang bonggang red hair.

Unang nagkomento sa post ni Barbie ang kaibigang si Tony Labrusca, aniya, “Redhead (fire emoji).”
Sey naman ng sister ni Daniel Padilla na si Magui Ford, “Loveeeee.”

Comment naman ni Diego, “Poison Ivy?” Na nireplayan naman ni Barbie ng, “@diegoloyzaga ako nga pala yung sinayang mo HAHAHAHAHAHAHA!”

At dahil nga rito, tuwang-tuwa ang kanilang fans na nagkakaisa sa pagsasabing “nangangamoy balikan!”

Pero kung ang naging pahayag ni Barbie sa isang panayam ang pagbabasihan mukhang imposible nang magkaroon ng part 2 ang love story nila ni Diego.

“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Du’n na lang tayo sa experience na parang hindi na.

“Kasi nu’ng time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat. Na du’n gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang you had your shot. I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!” diin pa niya.
Nauna rito, noong unang linggo ng Marso, isang buwan matapos silang maghiwalay ay nakitang magkasama uli ang dalawa sa isang restaurant sa Pasig City.

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending