Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya! | Bandera

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Ervin Santiago |November 28,2021
facebook
share this

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 07:51 AM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

BUONG-TAPANG na ipinagtanggol ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang boyfriend niyang si Diego Loyzaga sa lahat ng mga nagpapakalat ng fake news sa social media.

Una na ngang nilinaw ng dalaga na walang katotohanan ang chika na sinasaktan siya ni Diego tulad ng ipinapakalat ng ilang taong wala raw magawa sa buhay.

May kumalat kasing litrato sa social media ang hunk actor kung saan may tila sugat at pasa ang kanyang kamay habang sa ilang photo naman ay makikitang may pasa ang kanyang girlfriend.

Paglilinaw ni Barbie sa panayam ng isang entertainment website, “Kasi ‘yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa hospital sa kanya. 

“So ang labo. Sobrang na-trigger na ako. Kasi ang labo talaga na ipagko-connect mo lang ‘yung photos tapos may ganito lang sa hand, may pasa. Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkapasa sa ibang bagay?” katwiran ng dalaga kasabay ng pagsasabing maayos ang pagtrato sa kanya ni Diego.

Pagpapatuloy pa ni Barbie, “Na-realize na lang namin na kawawa naman ‘yung taong sumisira sa atin. Parang ganun kalungkot ‘yung buhay niya para siraan kami at para idamay kami sa lungkot ng buhay niya.

“Lalo kapag wala namang ginagawang masama ‘yung tao. Naaawa ako kay Diego kasi lahat ginagawa niya para sa akin. Tapos siya pa ‘yung napagbintangan na may ginagawang mali sa akin,” sabi pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Sa nakaraang virtual mediacon naman ng first movie nila together under Viva Films, ang “Dulo” sumumpa pa ang dalawa na never pa silang nagkakaroon ng matinding away o samaan ng loob.

“Hindi kami masyadong nag-aaway ‘yung mabibigat na mga dahilan. Minsan nagkakapikunan. Mapang-asar kasi siya,” panunukso ni Barbie kay Diego.

Pagsang-ayon naman ng binata sa kanyang dyowa, “Sinusubukan namin isunod ‘yung bawal matulog na magkagalit.” 

Samantala, natanong din ang dalaga kung humihingi pa siya ng permiso kay Diego kapag gagawa siya ng medyo daring na project, “Hindi naman kailangang magpaalam. Knowing Diego hindi po siya ganu’n, na may requirement. 

“Naiintindihan naman niya na if ever, it’s just work. Trabaho lang. Siya nga, e, marami na nagawang bed scenes, e!” natatawa pang pahayag ng aktres.

E, si Diego ba nagpapaalam sa kanya kapag gagawa ng mga love scene with matching halikan pa, “Hindi! Pero okay lang sa akin. Like I said, trabaho lang naman. Loyal naman si Diego. Subukan lang niya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang original Vivamax movie na “Dulo” nina Diego at Barbie sa Dec. 10 sa direksyon ni Fifth Solomon.

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Sey mo Barbie sa lovelife hugot ni Diego: I won’t do anything to hurt the person I love…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending