Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga? | Bandera

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Therese Arceo |April 02,2022
facebook
share this

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Therese Arceo - April 02, 2022 - 02:53 PM

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

UNTI-UNTI nang nakakapagkwento ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial ukol sa nangyari sa kanilang relasyon ni Diego Loyzaga.

Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay”, ibinahagi ng aktres na tatlong buwan na silang hiwalay ni Diego.

Ibig sabihin ay talagang “on the rocks” na ang dalawa nang kumalat ang mga espekulasyon na nag-break na sila.

Amin ni Barbie, noong mga panahong naghiwalay sila ay umasa pa siyang babalikan siya ni Diego.

Inisip niyang mabuti kung dapat na nga ba niyang sabihin sa kanyang ina na matapos ang isang taong relasyon ay hiwalay na sila ng kasintahan.

“Ako po, parang hinintay ko ng one week. Sinolo ko talaga ‘yung break up. As in nasa kwarto lang ako. Sobrang lungkot ko talaga,” saad ni Barbie.

Aniya, alam kasi niyang doble ang mararamdamang sakit ng kanyang ina kaya minabuti niyang sarilihin muna ang kanilang hiwalayan.

Pagpapatuloy ni Barbie, “Alam ko po kasi kapag nasasaktan ako, mas doble talaga ‘yung sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko muna mag-isa.

“Tapos noong medyo kaya ko na nang konti, doon ko sinabi kay Mama tsaka noong sigurado na break na talaga [kami].”

Tanong naman ng “Magandang Buhay” host na si Jolina, kung hindi pa ba sigurado si Barbie nang maghiwalay sila ni Diego kaya nag-wait pa siya ng one week.

“May mga ganoon po kasi di ba? ‘Yung…

“Umaasa pa tayo na baka habulin,” singit naman ng isa pang host na si Melai.

“Habulin. Oo. Yeah,” pagsang-ayon ni Barbie.

Ngunit hindi naman gumawa ng hakbang si Diego na habulin ang dalaga.

“Noong sure na parang [break na kami], sinabi ko na talaga kay Mama,” sey ni Barbie.

Pero ngayon ay aminado ang aktres na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

“Ngayon po, siyempre sobrang happy na talaga ako. Finally, after three months ng breakup namin, I’m okay na. Happy,” pagbabahagi ni Barbie.

Dagdag pa niya, idinaan daw niya sa tamang proseso ang kanyang pagmumove-on.

“Naniniwala ako sa power ng time. Hindi mo siya dapat madaliin. Patience lang talaga,” sambit ni Barbie.

Sa kabila naman ng nangyaring paghihiwalay ay nananatiling mabuting magkaibigan ang dalawa.

Naungkat nga ang kanilang palitan ng comment sa Instagram nang mag-post si Barbie ng larawan with her new hair color sabay sabi kay Diego na “ako nga pala ang sinayang mo”.

May mga tagasuporta kasi na nang-asar sa dalawa na mukhang may chance na magbalikan.

“Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway pero hindi po kami nagbalikan. Friends lang,” paniniyak ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?

Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending