Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz | Bandera

Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

Therese Arceo |January 25,2022
facebook
share this

Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

Therese Arceo - January 25, 2022 - 08:38 PM

Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

MATAGAL nang bulung-bulungan kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Marami kasi sa mga netizens ang tila curious kung bakit hindi na nagpo-post ang dalawa ng kanilang photos together sa Instagram at mukhang ang huling larawan na magkasama sila ay noong mag-celebrate sila ng kanilang first anniversary.

Marami rin ang nagtataka dahil sa pag-alis ni Diego papuntang Amerika at naiwan si Barbie sa Pilipinas.

Sinagot naman ito ni Diego sa naganap na virtual media conference ng kanyang bagong pelikula under Viva Films na “The Wife”.

Aniya, biglaan daw ang kanyang pag-alis at nag-book lamang siya mg flight isang araw bago siya umalis.

“I came here all of a sudden, like it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport so I book my flight a day before I left.

“I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come and she hasn’t have visa yet,” saad ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hindi naman direktang binanggit ni Diego kung kumusta na sila ng dalaga.

Pero base sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz, ayon raw sa kanyang source ay hiwalay na nga ang dalawa.

“Ito lang po ay nasagap natin na yung dalawa raw ay wala na. Totoo ba?

Mayroon lang pong nagpadating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon ay kung saan na mnapunta. Ang sabi lang sa akin ay waley ba daw,” saad ni Diego.

“Ang nabalitaan natin ano, dahil nag-away daw itong si Barbie at si Diego tapos ang sabi ay mamili lang daw si Diego kung ‘Itutuloy pa ba natin ito o hiwalay na?’ Eh parang nanalo ata ‘yung hiwalay na,” dagdag pa ni Ogie.

May nakarating pang balita sa kanila na isang Star Magic artist raw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Hangad naman ni Ogie na sana raw ay wala itong katotohanan at sana ay nagpapahinga lang sila sa isa’t isa.

“Sana sila pa rin pero kung hindi na talaga nila ma-take ang isa’t isa… sana ang ending pa rin ay magkaibigan pa rin sila. After all, may pinagsamahan pa rin naman sila,” hiling pa ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?
Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending