Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial Bandera

Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

Reggee Bonoan |January 21,2022
share this

Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

Reggee Bonoan January 21, 2022 - 05:29 PM

Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

WALA pa ring sagot kung okay pa ang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial dahil hindi naman ito binigyan ng linaw ng aktor nang maka-tsikahan siya sa katatapos pa lang na virtual mediacon ngayong hapon para sa pelikulang “The Wife” kasama sina Cara Gonzales at Louise delos Reyes directed by Denise O’Hara for Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa February 11.

Kasalukuyan kasing nasa Amerika pa si Diego at aminadong ini-enjoy niya ang bawa’t minutong naroon siya dahil matagal na pala siyang iniimbitahan doon.

Aniya, “In every stay I go to hang out [with] different people [and] I’m in L.A. now with some family friends. I should have met way, way back but now I’m with them now.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)


Ilang beses na rin naming nasulat si Diego dito sa BANDERA na kung saan-saang state siya ng Amerika nagpupunta para mamasyal na tila inaaral niya kung paano manirahan doon dahil nabanggit niyang gusto na niyang tumira sa US of A.

“I really love United States, first time I’ve been here in United States of America, I think I want a home to stay. To be honest, I really love it here, I’ve been really well here,” saad ni Diego.

Nasambit din niyang madaling makakuha ng trabaho roon kaya mukhang magtatagal o mananatili nga roon ang aktor.

Walang kasamang kaanak si Diego nang umalis siya pa-Amerika at wala rin si Barbie kaya natanong kung bakit hindi sila magkasama.

“I came here all of a sudden, like it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport, so, I book my flight a day before I left, so, yeah I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come and she hasn’t have visa yet,” pagtatapat ng binata.

Hayun, kaya hindi sila magkasama ay walang kaukulang dokumento si Barbie para makalipad pa-US.

Samantala, gaganap bilang si Cris si Diego na asawa ni Louise at mahuhuling may ibang babae, si Cara bilang si Lee.

Ang pelikulang “The Wife” ay sasalamin sa kung hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasamang mag-asawa sa kabila ng pagtataksil. At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?

 

Related Chika:
Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…
Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending