Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby... | Bandera

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Ervin Santiago |April 18,2021
facebook
share this

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 09:30 AM

PINAGSAMANG “nanay” at “baby”  ang ginawang paglalarawan ng hunk actor na si Diego Loyzaga sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial.

Ayon sa aktor na napapanood ngayon sa Pinoy version ng hit Korean series na “Encounter” sa TV5 kasama si Cristine Reyes, ibang klaseng girlfriend daw talaga si Barbie.

“Si Barbie can be the most maternal person in the sense na para siyang nanay kung mag-alaga. But at the same time, para rin siyang baby. Yon naman yung gustung-gusto ko kasi baby ko siya,” pahayag ni Diego sa nakaraang presscon ng bago niyang movie na “Death Of A Girlfriend.”

Pahayag pa ng binata, “Gusto ko rin naman na ako yung nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me and take care of me at the same time.
“Kapag siya naman, kapag kailangan niya ng alaga, hinihingi naman niya sa akin. And for me, big deal yon,” sey pa ng binata.

Magse-celebrate na ng kanyang 26th birthday si Diego sa May 21 kaya natanong na rin siya kung ano ang birthday wish niya this year lalo pa’t ito ang unang kaarawan niyang karelasyon si Barbie.

“Sana matapos na itong COVID. Yon lang talaga, sana matapos na ang COVID. Ang dami nang nahihirapan, ang daming gustong makasama yung pamilya nila, mga kaibigan.

“Ang hirap. Hindi nga tayo makapag-shooting. Hindi tayo makakilos. Gusto natin magtrabaho. The whole world is affected and sana mabawasan na yung hirap ng mundo,” ayon kay Diego.

Makalipas ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz, mukhang sinuswerte na ngayon ang aktor dahil nagsunud-sunod agad ang projects niya.

Pagkatapos pumirma ng exclusive contract last year sa Viva may bagong pelikula siya agad, ito ngang mystery love story movie na “Death Of A Girlfriend” na mapapanood na sa April 30 sa VivaMax at iba pang streaming platform.

Makakatambal niya rito ang isa pang Viva talent na talagang palaban sa hubaran na si AJ Raval (anak ni Jeric Raval). Ito’y sa direksyon ni Yam Laranas under Viva Films.

“Simula noong magbalik ako, then starting 2021 dumating talaga lahat. I have to thank the management (VAA) for trusting me and thank God for all of this and I’m happy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas focused ako sa ginagawa ko ngayon at mas alam ko na ang dapat kong gawin. I just have to make sure na to keep on doing what is right,” sabi pa ni Diego.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending