True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga? | Bandera

True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?

Reggee Bonoan |January 16,2022
facebook
share this

True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?

Reggee Bonoan - January 16, 2022 - 04:01 PM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

“ALAM mo, 80% ‘yung paniniwala ko na mukhang tapos na…” ang opinyon ni ‘Nay Cristy Fermin tungkol sa relasyon ngayon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Tinalakay ang isyung ito sa online show niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika nitong nagdaang Biyernes ng hapon.

May nag-text kasi kay Nanay Cristy kung ano na ang estado ng relasyon ngayon ng DiegBie dahil matagal na silang walang post tungkol sa isa’t isa.

Sabi ng online host, “Hindi ko pa kasi nakakausap itong si Tong, si Teresa Loyzaga nasa Melbourne (Australia) pa siya. Alangan namang manguna ako, e, baka naman kaya lang hindi nagpo-post ‘yung dalawa dahil nasa Amerika (Diego).

“Pero alam mo (sabi kay Romel Chika) 80% percent ‘yung paniniwala ko na mukhang tapos na. Kasi kahit nasa Amerika ang lalaki o ang babae, magpo-post sila (muwestrang dalawa). Pasko hindi ka babati?” aniya pa.

Sabi naman ni Romel Chika, “Oo nga, kasi sa mga nagmamahalan tulad nga ng sinabi mo kahit malayo pa yan gagawa ng paraan at puwede silang mag-video call tapos ipo-post nila na magkasama sila kahit paano na sa video call lang.”

Ayon pa kay ‘Nay Cristy, “’Yung pagpaparamdam ng pagmamahal walang pinipiling lugar at panahon.”

May katwiran naman talaga sina ‘Nay Cristy at Romel Chika at ito rin ang matagal nang tanong ng supporters, bakit walang post ang dalawa sa isa’t isa lalo’t dumaan ang Pasko at Bagong Taon.

Puro tungkol sa mga lugar na pinuntahan ni Diego kasama ang mga pinsan niyang taga-New Jersey ang naka-post sa IG account niya. Makikita rito ang pamamasyal nila sa Las Vegas, ang panonood ng laro ng Brooklyn Nets versus Milwaukee Bucks sa Barclay Center sa Brooklyn.

Nag-road trip din sila kung saan ang aktor mismo ang nagmaneho mula NJ, Pennsylvania pabalik ng NYC. May mga kuha rin sila habang nagsa-shopping at ang latest nga ay ang pagpunta niya sa Washington, DC.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Samantalang si Barbie naman ay ang pakikipag-bonding niya sa mga kaibigan sa showbiz tulad ng paglalaro ng tennis at pagpunta niya sa Aivee clinic para sa kanyang beauty regimen.

Marami naman ang nagulat sa komento ni Tony Labrusca na, “LV yarn.”

At sinagot naman ni Barbie ng, “@tony.labrusca, AHAHAHAHAHAHA.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, mukhang malapit naman nang umuwi si Diego kaya malalaman natin kung ano ang sagot kung sila pa o hindi na ni Barbie.

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Hugot ni Barbie sa 1st anniv nila ni Diego: You taught me how to be strong…I love you so much!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending