Ruffa Gutierrez inunfollow na si Sarah, Annabelle naka-follow pa rin

Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama inunfollow na si Sarah Lahbati sa IG

Therese Arceo |January 09,2024
facebook
share this

Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama inunfollow na si Sarah Lahbati sa IG

Therese Arceo - January 09, 2024 - 05:37 PM

Ruffa Gutierrez inunfollow na si Sarah, Annabelle naka-follow pa rin

NAG-UNFOLLOW na rin ang actress-beaty queen na si Ruffa Gutierrez sa kanyang sister-in-law na si Sarah Lahbati.

Ito ay kaugnay sa diumano’y naunang pag-unfollow nito sa kanya pati na rin sa iba pang mga Gutierrez.

Una na naming naibalita na maraming netizens ang nakapansin ngayong araw, Martes, na hindi na naka-follow si Sarah kina Richard maging sa iba pa nitong kaanak na sina Ruffa, Raymond, at Annabelle Rama.

Makikita ring binura na ni Sarah ang ang SLG sa kanyang Instagram at pinalitan na ito ng Sarah Lahbati.

May mga netizens ang nag-iisip na baka pati sina Sarah at Ruffa ay mauwi sa bangayan dahil sa pag-unfollow nilang dalawa sa isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso

Bago pa man ang isyung hiwalayan nina Sarah at Richard ay makikitang close si Sarah kay Ruffa maging sa mga anak nitong sina Lorin at Venice base na rin sa ilang videos, at photos na ibinahagi ng mga ito sa social media.

May ilang TikTok videos rin silang pinagsamahan together na talagang pinusuan ng madlang netizens.

Last year lang rin nang batiin ni Sarah si Ruffa sa kanyang kaarawan at sinabing ito raw ang “best ate anyone could ask for”.

Ruffa Gutierrez ibinandera ang larawan ni Richard kasama sina Kai at Zion

Sa kabila naman ng pag-unfollow back ni Ruffa kay Sarah ay ang pagbandera nito ng larawan ni Richard kasama ang mga anak nilang sina Zion at Kai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinandera rin niya ang video ng kapatid habang yakap-yakap at humahalik sa bunso nilang si Kai.

Wala rin namang pahayag si Ruffa ukol sa diumano’y pagsasama nina Richard at Barbie Imperial sa isang bar sa Alabang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending