Richard, Sarah magkahiwalay na ipinagdiwang ang b-day ng anak

Richard, Sarah magkahiwalay na ipinagdiwang ang 6th birthday ng anak

Ervin Santiago |March 25,2024
facebook
share this

Richard, Sarah magkahiwalay na ipinagdiwang ang 6th birthday ng anak

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 10:37 AM

Richard, Sarah magkahiwalay na ipinagdiwang ang 6th birthday ng anak

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Kai Gutierrez kasama ang kani-kanilang pamilya

DALAWANG magkasunod na birthday party ang na-experience ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Kai Gutierrez.

Nag-celebrate ng kanyang ika-6 na kaarawan si Kai nitong nagdaang March 21 pero nito lamang March 23 at March 24 siya nagkaroon ng party.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Magkahiwalay ang naging selebrasyon ng bagets – una nga ay ang naganap na party nitong nagdaang Sabado kasama ang amang si Richard at kinabukasan ay sa pamilya naman ni Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


Matagal na kasing hiwalay ang dating married couple at mukhang hindi nga kagandahan ang naging breakup nila kaya naman mas minabuti nilang magkanya-kanya muna sila ng party para sa bunsong anak.

Ginanap ang kaarawan ni Kai kasama ang pamilya ni Richard sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa City. Ang napiling theme ng bagets para sa kanyang party ay ang sandbox game na Minecraft.

Present siyempre ang parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Sa ilang litratong ipinost ni Richard sa kanyang Instagram stories, ay makikitang nakisaya rin ang kanyang sisteraka na si Ruffa Gutierrez.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Samantala, Minecraft-themed birthday party din ang nangyari sa selebrasyon ni Kai kasama ang kanyang nanay na si Sarah at pamilya nito.

Kahapon, March 24, nag-post naman ang ina ni Sarah na si Esther Lahbati sa Instagram ng dalawang video at mga birthday photos ni Kai na kuha sa bahay ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Estrella Lahbati (@estherlahbati)


Base sa napanood naming short reels, makikita ang Minecraft-inspired decoration sa ilang bahagi ng bahay ni Sarah. Naging hands-on din ang estranged wife ni Richard sa pagpe-prepare ng giveaways.

Ang inilagay na caption ni Ginang Esther sa mga IG post niya ay, “Happy birthday dearest Kai. We love you so much. The most sweetest boy, loving and handsome boy.

“Mama was so lucky to have you from day one na pinanganak ka. Sabi ko wow, ang cute-cute mo talaga! Million kisses, hugs and forever love from Lahbati  family. We are here always for you!” mensahe pa ng lola ni Kai.

Nauna rito, binati na ni Sarah ang anak sa mismong kaarawan nito sa pamamagitan din ng IG. Sabi niya sa caption ng mga litrato nila ni Kai, “I’m so lucky to be your mom, Kai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Your smile is the most contagious blessing in the world. No words can express how much I love you and Zion. Six years of joy. Happy birthday, bubba. Momma will forever and always be by your side,” ang mensahe pa ni Sarah para sa bunsong anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending