Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya? | Bandera

Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Reggee Bonoan |November 03,2023
facebook
share this

Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Reggee Bonoan - November 03, 2023 - 04:17 PM

Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

TRULILI kaya na isa sa pinagkatampuhan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay dahil ayaw na ng aktor na magtrabaho ang ina ng kanyang mga anak?

Matagal na itong nakuwento sa amin ng aming source pero hindi namin binigyan masyado ng pansin dahil base sa nakikita naman naming posts ng mag-asawa ay happy sila at lagi silang nagpupunta sa ibang bansa.

Base sa ilang kaibigan ni Sarah ay napansin nilang tila naiinip na siya sa bahay at gusto niyang mag-work pero ayaw diumano siyang payagan ni Richard.

“Hindi naman niya binanggit kung anong work but since dati naman siyang artista, e, baka iyon ang gustong balikan, ang showbiz. Ayaw daw ni Richard gusto alagaan ang mga anak nila,” kaswal na kuwento ng aming source.

Dagdag pa ng aming kausap, “Baka naiinip na raw kasi laging ganu’n ang routine gigising sa umaga, maghahanda ng food, mag-aayos, pagkatapos ng lahat nganga na, napagod na raw siyang magbasa-basa, napanood na yata lahat ng nasa Netflix, HBO etc.

“Sinabi niya ito kay Richard, e, parang nagkainitan pero maayos din ‘yan.”

Nagulat kami na may ganito palang pinagdadaanan ang wifey ng Kapamilya actor kung totoo ito ah, pero baka nga lang need lang ng fresh air ni Sarah.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Sa kasalukuyan ay nasa CamSur si Sarah kasama ang mga anak na sina Kai at Zion at magulang niya para magbakasyon base na rin sa mga larawang pinost niya sa kanyang Instagram kahapon.

Ang caption ng mga larawang nasa tabing dagat sila, kumakain, nasa villa, nagluluto ang mommy niya kasama ang mga anak ay, “Embracing the simple joys found in nature’s loving presence @campsirums.”

Komento ng isang  netizen,“I feel bad saying this but I had a feeling that their marriage isn’t going to work in the end. idk, mas something eh.”

“Last month lang magkakasama pa sila pmilya.. sayang, sana wag nmn,” saad naman ng isa.

Hirit naman ng isang netizen, “They just need some time and space they will figured it out for sure .”

Kami rin ay naniniwalang kailangan lang ng space nina Richard at Sarah at sa pagkakakilala rin namin sa aktor ay hindi niya hahayaang masira ang pagsasama nilang mag-asawa lalo’t ang daming dinaanang hirap ng aktor noon na pabalik-balik sa bansa kung saan ito nag-stay.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Richard at Sarah tungkol dito o sinuman sa kampo nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sarah Lahbati ipinasilip ang hubad na katawan ni Richard Gutierrez, sabay hirit ng, ‘What’s for dinner?’

Sarah Lahbati may birthday wish para kay Richard Gutierrez: I pray that all your dreams come true

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending