Fans nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca 'bad trip' sa nalalapit na pagtatapos ng 'The Iron Heart', may panawagan sa ABS-CBN | Bandera

Fans nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca ‘bad trip’ sa nalalapit na pagtatapos ng ‘The Iron Heart’, may panawagan sa ABS-CBN

Alex Brosas |September 10,2023
facebook
share this

Fans nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca ‘bad trip’ sa nalalapit na pagtatapos ng ‘The Iron Heart’, may panawagan sa ABS-CBN

Alex Brosas - September 10, 2023 - 09:35 AM

Fans nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca 'bad trip' sa nalalapit na pagtatapos ng 'The Iron Heart', may panawagan sa ABS-CBN

Jake Cuenca at Richard Gutierrez

MALAPIT nang magtapos ang “The Iron Heart” pero tila hindi ito katanggap-tanggap para sa fans ng toprating show na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Recently ay nag-post si Richard ng teaser ng kanilang laban ni Jake Cuenca who plays Eros. Dating magkaibigan sina Eros at Apollo (Richard) pero mabibisto na ni Apollo na si Eros ay si Commando.

“MALALAMAN na ni APOLLO na si EROS si COMMANDO.

“TUTUKAN ang mas PINAIT na mga BAKBAKAN sa PAGITAN ng TATSULOK at ALTARE. ABANGAN ang #TheIronHeart tuwing 8:45 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TV5, at iWant TFC.”

‘Yan ang caption ni Richard sa short teaser video na kanyang ipinost  sa kanyang Instagram account.

With this, marami ang nag-react, most of them wanted the series to have a season 3 o kaya ay i-extend pa ito.

Baka Bet Mo: Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa ‘Iron Heart’?

“Ang galing parang movie. Ang gagaling ng mga actors. Excited na ako mapanood mga next episodes. Season 3 please.”

“This show is bad ass and the storyline keeps getting better and better!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


“Wag tapusin to extend more please sobrang ganda ng TIH. APOLLOxEROS gagaling.”

“Season 3 please wag muna mag ending.”

“Sana ma extend wag muna matapos.”

“Sana wag nyo tapusin to deserve ng awarding Ng TIH subrang Ganda ng palabas world class.”

“OH MY G. SEASON 3.please. grabe nato habang tumatagal ang THEIRONHEART mas lalong gumaganda at nakaka excite ang mga eksena walang paligoy ligoy.
ILOVE @richardgutz and @juancarloscuenca ang gagaling nila grabe.”

“Ito yung the best na palabas di mo malalaman kung ano ang susunod walang katulad lahat magagaling kaya nakaka excite parati manood ng The Iron Heart.”

“Season 3 sana .. after ng banggaang tatsulok at altare .. may bagong group ang papasok na mas malakas pa sa CIB , Tatsulok at Altare .. tapos altare and tatsulok magsasama para pabagsakin yung bagong grupo na yun hahah.”

Papunta na sa exciting part ang “The Iron Heart” dahil sa recent episode nito ay nabulgar na buhay si Priam played by Albert Martinez. Ilalabas nila Apollo si Priam para labanan si Eros at ang Altare.

‘The Iron Heart’ ni Richard Gutierrez bongga ang magiging finale, kukunan nga ba sa Italy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending