Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa 'Iron Heart'? | Bandera

Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa ‘Iron Heart’?

Reggee Bonoan |April 02,2022
facebook
share this

Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa ‘Iron Heart’?

Reggee Bonoan - April 02, 2022 - 04:42 PM

Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa 'Iron Heart'?

NAGKAKATANUNGAN ang ilang ‘Marites’ sa showbiz kung sino ang bagong artistang babae mula sa GMA 7 na lilipat sa ABS-CBN bilang leading lady ni Richard Gutierrez para sa “Iron Heart” series niya.

Ito kaya ang series na “Kahit Minsan Lang” na pagtatambalan sana nina Richard at Bea Alonzo na hindi natuloy dahil lumipat na siya ng GMA-7? Naglabasan na rin naman ang dahilan ng pag-alis ng aktres na hindi niya kaya ang lock-in shoot at may iba pang dahilan na tinanggap naman ng ABS-CBN management.

Pero mukhang iniba na dahil parang malayo naman ang titulong “Iron Heart” at “Kahit Minsan Lang”.

Anyway, ang mga pangalan ng aktres from GMA na posibleng lumipat ay si Carla Abellana dahil hindi pa ito nag-renew ng kontrata, 2019 pa ang last contract niya.

Nasambit din sa amin ang pangalan ni Jennylyn Mercado na walang kontrata dahil nga kasalukuyan itong nasa interesting stage at hindi rin natuloy ang series na ginagawa nila ni Xian Lim, ang “Love, Die, Repeat”.

Pero knowing Jennylyn, hindi ‘yan aalis ng Kapuso network hangga’t may offer sa kanya at mag-iisip lang siyang umalis kapag wala na siyang silbi sa network.

Naaliw kami kasi baka raw isa kina Kim Domingo, Barbie Forteza at Gabbi Garcia na parang hindi babagay kay Richard Gutierrez? Pero alam namin na babies ito ng GMA-7.

Imposibleng si Marian Rivera dahil tila hindi nito type ang lock in shoot dahil mas gusto muna niyang maging ideal wife sa asawang si Dingdong Dantes at ina sa dalawang anak.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)

 

Sabi namin ay baka si Heart Evangelista dahil 2018 pa ang huli niyang kontrata na hanggang ngayon ay wala pa kaming naririnig na magre-renew siya dahil abala siya sa kakadalo sa iba’t ibang Fashion shows sa ibang bansa.

Naisip namin ang titulong “Iron Heart”, makes sense?

Pero may umapela na imposibleng si Heart dahil nanggaling na siya ng ABS-CBN, ang huli niyang project ay ang Hiram na Mukha at Pangarap na Bituin noong 2007, 15 years ago.

Baka raw hindi na tanggapin ng ABS-CBN si Heart dahil may regulasyon ang network na kapag umalis na sa kanila ay malabo o mahihirapan nang makabalik lalo’t hindi maganda ang nangyari.

Puwede rin naman pero 15 years ago na ‘yun at siguro naman ay open na ang Kapamilya network na puwedeng bumalik ang mga artistang umalis sa kanila lalo’t maganda ang relasyon sa management at sa pagkakaalam din namin ay magkaibigan sina Heart at Direk Lauren Dyogi na head ng Star Magic at TV Production.

Speaking of Richard sa karakter na Lito sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay matutuluyan na kaya siyang magapi ni Coco Martin as Cardo Dalisay sa ikalawang pagkakataon para paghandaan ang bago niyang TV series?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
#HabaNgHair: Sarah Lahbati niregalugan ni Richard Gutierrez ng 150 roses

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez nagpakasal bago ipatupad ang ‘community quarantine’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending