#HabaNgHair: Sarah Lahbati niregalugan ni Richard Gutierrez ng 150 roses
MAPAPASABI ka na lang talaga ng “sana all” sa haba ng hair ng aktres na si Sarah Lahbati.
Siya na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat matapos siyang makatanggap ng roses mula sa kanyang asawang si Richard Gutierrez.
Kabog talaga ang pasabog ng aktor kay Sarah dahil hindi lang basta simpleng bouquet ng roses ang ibinigay nito kundi 150 roses bouquet lang naman.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Sarah ang kanyang larawan habang pini-flex ang bigay ng asawa.
“Before heading to work today, I was surprised by my love @richardgutz with 150 roses,” saad ng aktres sa kanyang caption.
Dagdag pa ni Sarah, “Thank you for always making me feel loved, for making me feel special & for treating me like a queen. je t’aime (I love you), my king!!!”
View this post on Instagram
Nag-comment naman ang nakatatandang kapatid ni Richard na si Ruffa sa naturang post.
“Sweet (two red heart emoji)” comment ng Ate ni Richard.
Ang magandang dress naman ni Sarah ang napansin ng anak ni Ruffa na so Lorin na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Saad naman ni Janine Gutierrez, “Body ody.”
Noong nakaraang linggo lang nang mag-celebrate ang dalawa ng kanilang second anniversary.
View this post on Instagram
Sey ni Sarah, “To the king of my heart, happy anniversary, my love! Thank you for being my best friend, my refuge, my rock, and my happiness. I love you.”
Matatandaang March 2020 nang ikasal sina Sarah at Richard sa isang surprise civil wedding na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
May dalawang anak na ang dalawa at ito ay sina Zion at Kai.
Related Chika:
Sarah Lahbati pagod na sa katatago ng stretch marks: I’m not perfect
Sarah Lahbati, Richard Gutierrez nagpakasal bago ipatupad ang ‘community quarantine’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.