Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca

Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca: You can say ‘dating’

Pauline del Rosario |August 25,2023
facebook
share this

Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca: You can say ‘dating’

Pauline del Rosario - August 25, 2023 - 03:34 PM

Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca: You can say ‘dating’

Chie Filomeno, Jake Cuenca

NAGKAROON ng bagong update sa namumuong relasyon sa pagitan ng aktres na si Chie Filomeno at aktor na si Jake Cuenca.

Mula kasi sa “getting to know” stage, “currently dating” na ang dalawa!

Mismong si Chie ang nagkumpirma nito matapos siyang ma-ambush interview sa media conference ng “A Very Good Girl.”

Sey ng Kapamilya actress, “We’re talking. Taking our time. You can say dating, of course, yes.”

Gayunpaman, nilinaw ni Chie na hindi pa rin nila minamadali ang estado ng kanilang relasyon dahil may iba pa rin silang prayoridad sa buhay.

“‘Yung maganda kasi kay Jake is alam niya kasi where my heart is. Alam niya ang priority ko and hindi niya ako minamadali. ‘Yun ‘yon,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “Very gentleman siya and he respects my decisions. And, he is willing to wait.”

Naikuwento din ng aktres na nakilala na sa personal ng kanyang mga magulang ang manliligaw.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno nilinaw na ‘single’ pa rin, nais pang i-enjoy ang ‘me time’

Chika niya, “Na-meet na ng parents ko si Jake ‘nung premiere ng ‘Cattleya Killer’ at sabi naman nila mommy and daddy, 27 na naman ako so I can make my own decisions and nandyan pa rin naman sila to guide me.”

Nang tanungin naman si Chie na baka rebound lang daw ang aktres dahil tila hindi pa raw nakaka-move on si Jake.

Depensa ng aktres, “I think he is matured enough na hindi siya papasok sa isang bagay na hindi pa siya ready, fully committed. So I think kaya nga we’re all taking our time.”

“Kasi I am really private with my relationships before, and right now kasi first time ko ever, like, may naka-date in this industry na naging public,” dagdag pa niya.

Bukod diyan, nagkaroon din ng reaksyon si Chie patungkol sa mga nagsasabing “red flag” umano si Jake.

“I think kasi ‘yung mga tao ang bilis nila mag-conclude na ganitong tao si Jake kasi sa mga nakikita nila or nababalitaan,” saad ng aktres.

Ani pa niya, “But alam ko at alam natin kung gaano kabait si Jake, kung gaano siya ka-maalaga and hindi siya red flag guys. Hindi talaga siya red flag.”

At siyempre, hindi rin mahuhuli ang mga tanong kung paano nagsimula ang relasyon ng dalawa.

Pagbubunyag ni Chie, nagligawan na sila noon pero hindi lang daw ito natuloy dahil iniwasan niya ang aktor.

“I think naging destiny na lang din talaga na nagkita kami sa Christmas Ball,” kwento niya.

Chika pa niya, “’Yung nag-date kami before, nawala kasi ‘yon and then cut to nagkita kami then naging persistent siya, naging patient siya.”

“Kasi medyo ilag pa ako sa kanya noon. Hindi ko siya sinasagot, like parang snob pa ako noon. Dini-deadma ko ‘yung mga DMs niya before but nakita ko naman ‘yung change niya,” aniya pa.

Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.

Related Chika:

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: ‘It will come at the right time’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca umamin na sa tunay na relasyon nila ni Chie Filomeno: ‘We’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending