Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She's still one of my Big 4 | Bandera

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Therese Arceo |December 04,2021
facebook
share this

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Therese Arceo - December 04, 2021 - 11:25 AM

Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She's still one of my Big 4

HINDI pa rin nawawala si Madam Inutz sa listahan ni Chie Filomeno sa tuwing tonatanong siya kung sino ang kanyang Big 4.

Amin niya sa isang interview, hindi pa rin nawawala si Madam Inutz sa kanyang listahan sa kabila ng naging rason nito para i-nominate siya na mapalabas sa “PBB” house.

“Sa akin kasi like tinanong ako kung sino ang Big 4 ko, siya (Madam Inutz) lang ang hindi natatanggal sa Big 4 ko. As in siya talaga ‘yung Big 4 ko whether narinig ko na ‘yung sinabi niya kasi alam ko kung ano ang na-offer ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Alam ko kung ano ang mga nagawa ko for the housemates, also for myself,” pagpapaliwanag ni Chie.

“Mayroon rin kasing instances talaga na ang laki ng bahay so hindi mo talaga makikita din kung ano ang ginagawa and ang dami namin so du’n ko na lang tinignan sa perspective na ‘yun,” dagdag pa niya.

Chika pa ni Chie, hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa nakasamang housemate sa kabila ng sinabi nito sa kanya.

“And si Madam Inutz, she’s a strong, independent woman, a single mom and alam ko lahat ng pinagdaanan niya so that doesn’t change like kung ano ‘yung tingin ko sa kanya kahit narinig ko ‘yun. She’s still one of my Big 4.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Matatandaang nag-viral sina Chie Filomeno matapos ang 3rd nomination night ng “PBB” dahil sa naging dahilan ni Madam Inutz sa pagboto sa kanya.

Binigyan kasi ni Madam Inutz ng 2 points ang dalaga at sinabing “Ready na siya. Ready na siyang umalis kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda.”

Nang matapos ang nomination night ay kasama si Chie sa listahan ng mga nominado at tuluyan na ngang nagpaalam sa Bahay ni Kuya matapos ang isang linggo.

Siya ang 3rd evictee ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng maagang paglabas mula sa pinakasikat na bahay sa bansa, sumalubong naman kay Chie Filomeno ang umaapaw na pagmamahal at blessings mula sa outside world.

Kamakailan ay itinanghal siya bilang 2022 calendar girl ng isang kilalang inuming nakalalasing.

Related Chika:
Chie Filomeno ibinandera ang sexy body bilang 2022 calendar girl
Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending