Chie umamin na sa tunay na 'relasyon' nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond... Bandera

Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Ervin Santiago |November 30,2021
share this

Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Ervin Santiago November 30, 2021 - 02:28 PM

Kyle Echarri at Chie Filomeno

NAIINTINDIHAN ng dating “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” housemate na si Chie Filomeno kung bakit siya bina-bash ng mga fans ng tambalan nina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Naging super close na kasi sila ni Kyle sa maikling panahong pamamalagi nila sa loob ng Bahay Ni Kuya bilang mga celebrity housemates.

Sa katunayan, naiyak talaga si Kyle nang bonggang-bongga nang ma-evict ang dalaga sa Bahay ni Kuya. 

Pag-amin pa ni Chie, kilala at nakakachikahan na niya ang ka-loveteam ni Francine bago pa man sila mapabilang sa ika-10 edisyon ng “PBB” na napapanood sa ABS-CBN.

Natutuwa at nagpapasalamat siya na naging espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kyle sa loob ng Big Brother house. Sa katunayan, nagulat din siya na nagkaroon na ng fans ang tambalan nila ng singer-actor na “KyChie.”

“Nakita ko nga na sobrang dami ng fan videos. And parang may nabuo na ‘KyChie’ dito sa labas,” pahayag ni Chie sa panayam ni Bianca Gonzalez sa “Cinema News.”

Kuwento pa ng dalaga, nakasama na rin niya noon si Kyle sa ilang proyekto pero, “Never pa po talaga kami nag-meet outside. Nakapagtrabaho kami pero Zoom. At boses ko lang po ‘yung ginamit du’n sa series nila, sa ‘Click, Like, and Share’. Tapos sa ASAP, hi-hello lang po.”

Nagkakachikahan din daw sila sa pamamagitan ng private Instagram messages, “And ‘yung pinag-uusapan po namin sa loob, Finsta. Private Instagram po. Doon ko po ipino-post ‘yung mga like hindi ko ma-post sa public account. Ito ‘yung very personal lang.”

Pag-amin ni Chie, sweet daw talaga si Kyle kahit sa likod ng camera, “And then, magme-message po siya na ‘You got this, Chie!’ As in super sweet talaga siya na nandiyan siya for me kahit hindi pa po kami magkakilala at all or nakakapag-hangout sa labas.”

Kaya nang magkasama sa loob ng Bahay Ni Kuya, hindi na sila nahirapang pakisamahan ang isa’t isa, “Parang naging madali lang makapag-open up sa kanya kasi outside palang, very welcoming na siya.” 

Samantala, nang makalabas ng “PBB” house, talagang ang unang itinanong sa kanya ng ina ay kung may namamagitan na nga ba sa kanila ni Kyle tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.

“Sabi niya, ‘Nak, ano’ng meron?’ Gumano’n siya. As a mother that she is, ganoon talaga ‘yung tanong niya. And sabi ko si Kyle talaga like ‘yung parang naging confidant ko na din talaga sa loob,” chika ni Chie.

Nabanggit din niya ang tungkol sa  pamba-bash sa kanya ng ilang fans nina Kyle at Francine mula nang maging close sila ng young actor. Aniya, nirerespeto niya ang KyCine fans at naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga ito.

“I really respect din ‘yung loveteam ni Kyle na KyCine. Pero ‘yung sa amin kasi ni Kyle, hindi ko siya masasabing loveteam. It’s a special bond that we have na kami lang nasa loob ang makakaintindi also.

“Nirerespeto ko po ‘yung nararamdaman ng fans ni Kyle also,” aniya pa.

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Kyle inaming may boundaries sila ni Francine; may pasaring nga ba sa SethDrea?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending