Sarah Lahbati kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Sarah Lahbati kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Therese Arceo |March 01,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Therese Arceo - March 01, 2024 - 10:18 PM

Sarah Lahbati kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

TULUYAN nang kinumpirma ng aktres na si Sarah Lahbati na single na siya ngayon at hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.

Sa kanyang panayam sa Kapamilya entertainment reporter na si MJ Felipe na in-upload ng ABS-CBN News nitong Biyernes ng gabi, March 1, diretsahang sinagot ng aktres ang tanong kung single na ba siya.

“Uhm, yeah. I mean, there’s nothing to hide and I think it’s pretty clear to the public that both of us are [single],” pagbabahagi ni Sarah.

Ito na nga ang nagsilbing kumpirmasyon na totoo ang mga chikang kumakalat noon na naghiwalay na ng landas ang dalawa.

Matatandaang inamin rin ni Sarah kamakailan sa interview naman sa kanya ni MJ Marfori na hindi na sila nag-uusap ng dating asawa.

Bukod pa rito, matatandaang humiwalay na rin ng bahay ang aktres na siyang ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram page.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati wala nang komunikasyon kay Richard Gutierrez

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pag-amin rin ni Sarah, hindi madali para sa dalawang anak nila na sina Zion at Kai pero nangangako siyang nasa tabi lang siya lagi ng mga anak.

“It’s not easy on any child but I’m here for them and they’re better,” sey pa niya.

Sa kabila naman ng kanilang paghihiwalay ay mananatiling ang mga anak pa rin ang kanilang prayoridad ay magkakaroon sina Sarah at Richard ng maayos na coparenting set up para sa dalawa.

“Well, of course, it’s not ideal for the children, let’s go back to the kids. But that’s life and that’ll be fine.

“We’re good at parenting and we have, you know, we are there for the kids. That’s all I’m gonna say,” ani Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang kumalat ang chikang tila hiwalay na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizens na hindi na madalas mag-post ng pictures together ang mga ito.

Mas tumindi pa ang chika nang magkahiwalay na mag-post sina Sarah at Richard ng bonding nila noong Haloween.

At ngayon nga ay kumpirmadong hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending