Richard Gutierrez excited na sa bagong project

Richard Gutierrez excited na sa bagong project: ‘Fresh start…new chapter’

Pauline del Rosario |February 22,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez excited na sa bagong project: ‘Fresh start…new chapter’

Pauline del Rosario - February 22, 2024 - 01:04 PM

Richard Gutierrez excited na sa bagong project: ‘Fresh start…new chapter’

PHOTO: Instagram/@richardgutz

AGAW-PANSIN sa social media ang latest social media post ng batikang aktor na si Richard Gutierrez.

Sa kanyang Instagram account, excited niyang ibinandera ang ilang litrato na kasama ang chief operating officer for broadcast ng Kapamilya network na si Cory Vidanes at Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

Caption diyan ni Richard, “New beginnings. Fresh start.”

Kasunod niyan ay pinasalamatan niya ang ABS-CBN dahil patuloy siyang binibigyan ng proyekto.

“Excited for this new chapter with my @abscbn family and thankful for their continued support,” sey niya.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati sa ‘relationship status’ nila ni Richard Gutierrez: ‘We’re OK’

Hindi pa idinedetalye ng aktor kung ano ang bagong aabangan sa kanya, pero nangako siya sa fans na magkakaroon siya ng updates tungkol dito.

Wika niya sa IG post, “Looking forward to sharing more with you in the near future.”

“Glory to the most High [finger pointing up emoji],” ani pa ni Richard.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)

Sa comment section, halatang sabik na sabik na rin ang kanyang fans na nagpaabot ng all-out support sa kanilang iniidolo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Sa totoo lang magaling umarte si Sir Richard Gutierrez [red heart, clapping hands emojis]!!! Kahit mahirap o mayaman role nya, madadala ka sa acting niya…Sana more project pa kay Sir Richard [folded hands, red heart emojis].”

“Favorite ko talaga ang kambal ang popogi sana si Mond bumalik as TV host ang galing din niya kaya. Si Sarah nagpupumilit bumalik sa showbiz at modeling pero parang wala na siyang appeal pero nawa’y maging successful ulit siya.”

“Wow congrats Chard iba kasi pag kapamilya world Class at sikat pa [clapping hands emojis]”

“Eggggcited naman ako! Ano naman ang pasabog ni Appolo [white heart emoji].”

Hindi rin namang maiwasan na may mga netizens na iuugnay ang bagong post ng aktor sa bali-balitang paghihiwalay nila ng misis na si Sarah Lahbati.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie Diaz

Hanggang ngayon kasi ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa at hindi pa nila kinukumpirma kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Anyway, narito ang mga nakita naming mga komento na nang-iintriga pa sa mag-asawa:

“‘Yan ang dahilan kung bakit humiwalay. Million po ang kontrata ni RG”

“Praying and hoping na magkakabalikan pa din silang mag-asawa, lahat naman napag-uusapan and nagagawan ng solusyon…I know deep inside there is love pa rin between the wife and hubby..haisst I was rooting pa naman na gaya sila ni Richard at Lucy may forever [re heart emoji]..Sana at the end makapag-isip isip silang dalawa!”

“Hay so sad for him and Sarah but nothing we can do but to wish them both good luck. They used to be the ‘relationship goal’”

“Congratulations @richardgutz! I hope this time you now have a female lead! Wala ng selosa nakakasakal ang ganung ugali”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling pinagbidahan ni Richard ang dalawang season ng drama series na “The Iron Heart” bilang si Apollo.

Nakasama niya riyan sina Jake Cuenca, Sue Ramirez, Meryll Soriano, Dimples Romana, Albert Martinez, at marami pang bigating artista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending