Sarah ibinandera ang pagwawaldas, pang-asar kay Annabelle?

Sarah Lahbati ibinandera ang ‘pagwawaldas’, pang-asar kay Annabelle?

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati ibinandera ang ‘pagwawaldas’, pang-asar kay Annabelle?

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 11:27 AM
Sarah Lahbati ibinandera ang 'pagwawaldas', pang-asar kay Annabelle?

“WALDASERA”. “Patron Saint of Shopping”. “Unbothered.” Ilan lang yan sa mga bansag ngayon ng netizens kay Sarah Lahbati.

Ang pagiging gastador umano ang isa sa mga dahilan kung bakit nawasak ang pagsasama nina Sarah at Richard Gutierrez bilang mag-asawa.

Ito ang rebelasyon ng nanay ni Richard na si Annabelle Rama sa isa niyang social media post kung saan nabanggit nito ang pagwawaldas daw ng pera ni Sarah habang nagpapakamatay sa trabaho ang kanyang anak.

Sa isang TikTok video ng aktres, tila nais nitong asarin ang kampo ni Richard nang sabihin nito sa kanyang caption ang mga katagang, “who wants to go shopping with me.”

Sinundan pa ito ng kanyang pagli-lip sync habang umaawra-awra sa harap ng camera. Aniya, “No I don’t think you understand, I’m obsessed.” 

Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama inunfollow na si Sarah Lahbati sa IG

Ang feeling ng mga netizens ay patutsada ito ng aktres sa nanay ni Richard at sa iba pang nangnenega sa kanya matapos pumutok ang chika tungkol sa hiwalayan nila ng asawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng kanyang followers sa comment section ng kanyang TikTok entry.

“The caption thou HAHAHA!”

“Patron Saint of Shopping and Aivee clinic!” 

“The Waldas Queen!”

“Anteeee theee shade hahahahhaha mama will cry.”

 “Well, ginawa naman talaga ang pera para gastusin, pero make sure na may savings din.”

“Let’s go shopping!!!”

“2024 Year of the Waldas Dragon!”

“Slay our waldas queen.”

“Yes to waldas mamshh!! Desurved!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin ng mag-asawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending