Sarah binura ang SLG sa IG, in-unfollow si Richard

Sarah binura ang SLG sa IG, in-unfollow si Richard pati ang ibang Gutierrez

Therese Arceo |January 09,2024
facebook
share this

Sarah binura ang SLG sa IG, in-unfollow si Richard pati ang ibang Gutierrez

Therese Arceo - January 09, 2024 - 02:21 PM

Sarah binura ang SLG sa IG, in-unfollow si Richard pati ang ibang Gutierrez

TULUYAN na ngang in-unfollow ng aktres na si Sarah Lahbati ang estranged husband na si Richard Gutierrez sa Instagram.

Napansin ng mga mga matanglawing netizens na wala na si Richard sa following list ng aktres.

Samantala, nananatili namang naka-follow si Richard kay Sarah.

Napansin rin ng netizens na maging ang ate ni Richard na si Ruffa, kambal nitong si Raymond, at inang si Annabelle Rama ay wal na sa following list ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati proud na proud sa anak na si Zion, isa nang ‘certified diver’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kamakailan lang ay spotted ang estranged husband ni Sarah sa isang bar sa Alabang kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Ilang mga bisita at customers ng naturang gastropub ang kumuha ng video matapos mapansin ang dalawa na magkasama sa bar.

Bagamat hindi gaanong malinaw ang video ay makikitang si Richard at Barbie ngacang magkatabi sa table kasama ang ilang mga kaibigan.

May mga naka-sight pa ngang sobrang close ang estranged hubby ni Sarah at ang Kapamilya actress.

Chika pa nga ng iba, “bantay sarado” raw si Barbie kay Richard.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati ibinandera ang sasakyan, tinawag na ‘gastadora’

May mga nagsasabi ring inalalayan pa ng asawa ni Sarah si Barbie nang magpunta ito sa CR.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa namang pahayag sina Richard at Barbie hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Maging si Sarah ay tahimik pa rin sa diumano’y pagsasama nina Richard at Barbie sa isang bar.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mg kampong sangkot sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending