Annabelle Rama sa nawawalang fur baby: ‘Pakisauli, kawawa mga apo ko’

PHOTO: Instagram/@annabelleramaig
HUMIHINGI ng tulong sa publiko si Annabelle Rama matapos mawala ang alagang aso na si Mason.
Ayon sa latest Instagram post niya, ilang araw nang hindi makita ang kanilang fur baby.
“Sa lahat ng mga kapitbahay ko sa white plains, kung napulot niyo itong aso naming si Mason poodle dog, color brown. Nakalabas sa gate hindi nakita ng house boy 4 days na. Pakisauli nalang sa Brgy. White Plains, Quezon City,” caption ng actress-talent manager.
Kalakip din niyan ang ilang contact numbers kung sakaling may nakahanap kay Mason.
Tumawag lang daw sa telephone number na 889903644 o kaya kontakin si Jinky Torlao sa numerong 09354914405.
Baka Bet Mo: Heart napaiyak nang matagpuan ang nawawalang aso
Pwede rin daw kausapin ang admin ng White Plains sa telephone number na 89308456.
Ayon kay Annabelle, naaapektuhan na ang kanyang mga apo dahil sa pagkawala ng kanilang family dog.
“Kasi nalungkot ang mga apo ko si Ezra, Aria, Zion and Kai. Sana maisauli kaagad kung sino ang nakakita or naka pulot sa aso naming si Mason. Maraming Salamat,” wika niya.
View this post on Instagram
Sa isang hiwalay na post, ibinandera ni Annabelle ang video ng alagang aso kasama ang apong si Ezra.
Kwento niya, “Ito si Mason ang aso naming poodle na nawawala. Kasa-kasama ng apo kong si Ezra tuwing nagwa-walking sila ng hapon.”
“Kung sino nakakita or kung sinong nakapulot paki sauli nalang kawawa mga apo ko namimiss na nila si Mason,” pakiusap ulit ng veteran actress.
View this post on Instagram
Napa-comment naman ang isa niyang anak na beauty queen na si Ruffa Gutierrez at sinabing, “Oh nooooo!! [sad face emojis]”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.