Heart Evangelista humingi ng tulong para makita ang nawawalang aso; P50k reward para sa makakahanap Bandera

Heart Evangelista humingi ng tulong para makita ang nawawalang aso; P50k reward para sa makakahanap

Therese Arceo |November 05,2021
share this

Heart Evangelista humingi ng tulong para makita ang nawawalang aso; P50k reward para sa makakahanap

Therese Arceo November 05, 2021 - 06:47 PM

Heart Evangelista humingi ng tulong para makita ang nawawalang aso; P50k reward para sa makakahanap

NANAWAGAN ang aktres na si Heart Evangelista sa madlang pipol upang tulungan siyang mahanap ang isang aso na nagngangalang “Luka”.

Noong Nobyembre 3, nag-tweet si Heart patungkol sa nawawalang aso at kung sino man ang makakapagbalik ay magkakaroon ng pabuya na nagkakahalagang P10k.

“Help us find him,” tweet ni Heart kasama ang litrato ng aso.

Matapos ang dalawang araw ay hindi pa rin nakikita si Luka. Muling nag-tweet si Heart at tinaasan na ang dating cash reward na P10k. Ngayon, P50k na ang matatanggap na pabuya ng taong makapagbabalik kay Luka.

“Sana matulungan niyo kami… Baka na sa edsa siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa bridge…” muling tweet ni Heart.

“Last seen outside dasma village, around alpha land…” dagdag pa ng aktres.

Ang nasabing aso ay hindi pagmamay-ari ni Heart kundi ng kanyang kaibigan na si Celine Lopez.

“Please DM me for any leads. The reward is 50k if you can bring him back to me,” saad niya sa kanyang Instagram post.

Mukhang tumutulong lang si Heart para ipakalat ang balita upang mahanap agad ang nawawalang aso.

Marahil ay bukod sa malapit niya itong kaibigan, ramdam ni Heart ang sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng alaga.

Isa si Heart sa mga celebrities na kilala sa pagiging mahilig sa pag-aalaga ng mga aso. Sa katunayan, makikita sa kanyang Instagram kung gaano niya kamahal ang kanyang mga alaga.

 

Related Chika:
Bakit takot na takot si Mariel Rodriguez sa mga aso?
Netizens nag-react sa sosyal na pagkain ng alagang aso ni Heart: Inulam ko pa naman yan kahapon!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending