Bakit takot na takot si Mariel Rodriguez sa mga aso? | Bandera

Bakit takot na takot si Mariel Rodriguez sa mga aso?

Reggee Bonoan - March 25, 2021 - 04:55 PM

CERTIFIED lolo and lola’s girl talaga si Mariel Rodriguez-Padilla.

Puro larawan kasi niya ang laman ng bahay ng grandparents niya simula pagkabata hanggang sa makatapos ng pag-aaral.

Bukod pa riyan ang mga litrato niya noong magsimula siya sa showbiz, kabilang na ang magazine covers at iba pa, base na rin sa bagong vlog niya sa YouTube.

Ang maternal grandparents ni Mariel ang nagpalaki sa kanilang dalawa ng Ate Kaye Garcia (may asawa na) at siya ang bunso.

Nag-surprise visit cum house tour si Mariel sa bahay ng lolo at lola niya sa Parañaque kung saan din siya tumira noon.

Kuwento ng TV host, “That was a trip down memory lane ang daming throwback pictures na di ba ganu’n pag lolo at lola talagang pini-preserve nila lahat wala silang tinatapon lahat ng mga magazines, mga dating pictures.

“Kung ano ko sila iniwan, ‘yun pa rin sila mga picture frames, mga dati sa loob, yun pa rin ang nandoon.

“Nice to see na malinis ‘yung house nila dahil okay sila. ‘Yun lang naman talaga ‘yung gusto natin di ban a mga mahal natin sa buhay lalo na ang lolo’t lola ko kasi parang (naluha) sila kasi ‘yung nagpalaki sa akin, sila ‘yung pinaka-magulang ko.

“So, it was nice to see na okay sila, nakakain nila ‘yung gusto nila, natuwa ako kasi ‘yung steak business nila okay ang daming orders, mag order kayo sobrang sarap no’n,” kuwento ng misis ni Robin Padilla.

“Happy ako for my grand parents, lagi ko sa kanilang sinasabi na they don’t have to worry about anything kasi I am here for them forever.  And sana kayo rin lalo na sa panahon na ito lalo nating ipakita ang pagmamahal natin sa ating love ones,” dagdag pa niya.

Maaga palang ay pumunta na roon  si Mariel dahil gusto raw niyang abutang nag-aagahan ang kanyang lolo at lola, “Kaya ako maagang pupunta kasi nu’ng tinanong ko kung ano ang schedule nila, 4 a.m. gising na sila at nakahiga lang sila sa kama.

“Tapos 7:30 (a.m.) nagbi-breakfast na sila, so, gusto kong maabutan ‘yung nagbi-breakfast na sila kasi gusto kong makita how they start their day kung kumusta ba sila roon kasi matagal na rin akong hindi nakakapunta sa kanila,” kuwento pa ng favorite apo nina Ginoo at Ginang Siazon.

Mahilig sa hayop ang lolo’t lola ni Mariel bagay na hindi niya namana, “I am their opposite. I don’t have anything against pets pero hindi ako mahilig talaga.”

May dahilan kung bakit hindi nakahiligan ni Mariel ang mag-alaga ng hayop, “Actually, takot ako sa aso! I know ang daming dog lovers and anything, pero ako takot ako sa aso as in. Basta may aso, kakagatin ako, ‘yun ang aking thinking ko, so good luck mamaya.”

May mini-zoo na raw kasi ang grandma at grandpa niya, bukod sa mga aso ay maraming alagang pusa, mga ibon, pagong at iba pa ang mga ito.

Pagdating nga ni Mariel sa bahay na kinalakihan niya ay narinig na niya ang pagtahol ng aso. Ipinakita rin nito ang nakapaskel sa gate ng bahay ng lolo’t lola niya ang tinda nitong real Aussie steak na ready to cook at kasama ang presyo.

Sa labas ng gate ay may nakitang pusang kumakain si Mariel pero umalis nang makita siya, “Ay natakot. Everyday ‘yan.”

Ang mga pusang nasa labas ng gate o stray cats ay mga kaibigan ng walong alagang pusa ng lola niya kaya pinapakain din nila.

May toy poodle rin na inabutan si Mariel, “Siya si Jordan na alagang aso ni lolo na bulag na na nu’ng nag-move-out ako (nag-asawa na), ‘yan ang ginawa nilang baby. ‘Yan ang pumalit sa akin.”

Ipinakita rin nito ang mahabang aquarium kung saan naninirahan ang pagong, “Dito sa mga lumang lumot na ito may pagong diyan, (sabay tanong kung ano ang kinakain ng pagong), chicken? Raw chicken ang kinakain ng pagong!  May budget ‘yung pagong!”

Naroon din si Marimar ang lovebird pero wala na siyang kapartner,”l “Sabi nila ang lovebird daw kailangan dalawa dahil pag nawala ang isa, mamamatay ang isa.  Akalain mo ito (sabay turo) buhay pa rin. Sa dati pa naming bahay ito,” balik-tanaw pa ni Mariel.

Pagpasok sa loob ng bahay punumpuno ng display ng mga larawan ni Mariel, pati ang malaking red couch, “Ito ‘yung couch sa Big Brother house (isa pa siya sa host noon). Ito ‘yung TV ko sa PBB Uplate. Pag nagsasalita ako noon sa Uplate, ‘yan ‘yung TV ko.”

Ibinuking din na mahilig mangolekta ng iba’t ibang suka ang lolo niya na nasa lamesa, “Lahat ng condiments ni lolo nandiyan na, name it.  Lahat ng suka. Suka mula sa Visayas, suka mula sa Vigan, lahat-lahat na. Lahat ng bagoong, lahat ng ketchup.  Nandito na lahat, ito na ang sari-sari store!” biro ni Mariel.

Maging ang mga pagkain ng mga alagang ibon, pusa at aso ay nasa lamesa na rin dahil may mga edad na ang lolo at lola niya kaya inilagay kung saan madaling makita at kunin.

Bumalik na ng bahay nila si Mariel kasama ang lolo’t lola na pinakain din ang mga alaga nilang pusa at baby goat na may sariling kulungan kung saan doon nakatanim ang mga damong kinakain nito.

Binanggit naman ng lolo ni Mariel na ‘yung mga alagang aso nila ay stray dogs at naligaw sa bahay nila kaya kinuha at inalagaan at sinamahang matulog sa buong gabi sa garahe para maramdamang at home sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lola naman niya, “Kaya ako pet lover kasi ngayong nagkaka-edad ako na kapag may nararamdaman ako, nare-relieve ako talaga, parang sila ‘yung nagbibigay ng strength sa akin at baka lumawig pa ang buhay ko, suwertihin, salamat sa Diyos.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending